Twenty Five

7.9K 112 5
                                    

 

   

MIKA

   

     

   

    

Naalala ko ang itsura ni Vic kanina, masyado yata akong naging harsh sa kanya.

Kailan pa siya natuto mag motor, delikado pa naman ngayon. Babae parin naman siya kahit gwapo siya, baka bigla nalang siya harangin sa daan ng mga halang ang kaluluwa.

Knock on wood! Wag naman sana!

Tapos bigla pa bumuhos ang malakas na ulan. Nasaan na kaya siya? Sana nakauwi siya agad.

"Bakit ang tahimik mo? Nag aalala ka sa kanya noh?" si Tim.

Kasama ko siya ngayon, sinusulit namin ang natitira niyang araw dito sa pinas. Dahil sa friday, babalik na siya sa Canada.

Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa labas. Pinagmamasdan ang mga patak ng ulan.

"Bakit hindi mo tawagan? Kamustahin mo kung nakauwi na ba siya."

Kinuha ko ang phone ko, saka ko dinial ang number niya.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area..."

In-end ko na yung call.

"Unattended, bestfriend."

Inakbayan naman ako ni Tim.

"Kausapin mo nalang siya bukas. Medyo offending kase yung nasabi mo kanina eh. Sa ngayon, smile ka na. Di bagay sayo nakasimangot."

Tumango naman ako, papunta kami ngayon sa bahay nila. Dun kami magdi-dinner.

Sa buong gabi na nag stay ako kina Tim, puro si Vic ang naiisip ko. Dinial ko ulit ang number niya pero unattended parin. Nasaan na kaya yun.

Pati sina Kim natawagan ko na, ang sabi lang nila ay wag ako magalala. Masamang damo daw yun, at hindi pa mamamatay!

Tsk, ang galing mag advice ng mga kaibigan ko noh?!

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kisame, dina-dial ko parin ang number ni Vic. Pero unattended parin.

"Haaaaayyyyyy!!!!"

Sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko.

Pinipilit kong gumawa ng antok, pero hindi ako makagawa.

Hina-haunt ako ng itsura ni Vic. Asar! Baka pati sa panaginip magpakita siya ah. Bakit ko ba kase siya inasar ng todo eh.

"For your info, Mika! Wala po akong kotse, naka motor ako kaya ako may dalang helmet! Okey na? Una na ko! Dyan na kayo!"

Saka 'Mika' ang tawag niya sa akin? Galit nga siguro siya, hindi 'Babe' eh.

Lalambingin ko ba siya bukas? Baka naman lalo lumaki ang ulo kapag ginawa ko yun?

"Haaaaayyyyyy!!!!"

Nagpaikot ikot na ako sa kama ko. Hindi parin ako makatulog.

Lumabas ako sa kwarto at dumiretso ng kitchen. Kinuha ko ang bote ng alak sa cabinet at ininom yun.

Kailangan ko na kasing matulog.

Kinabukasan...

Ang sakit ng ulo ko, naparami ang inom ko kagabi. Kasalanan to lahat ni Victonara eh!

Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon