Forty Seven

6.2K 119 35
                                    

  

  

  

VIC

  

  

  

"Babe..."

  

"Hmm?"

  

"May nakita ako kanina, na hindi ko dapat makita."

  

Nanlaki ang mata niya. Gulat na gulat siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Ang bilis lang ng sumunod na pangyayari, naramdaman ko nalang ang mga palad niya sa katawan at mukha ko.

   

"Ouch, babe. Tama na, hindi ko naman talaga sinasadyang makita eh."

  

"Nakakainis ka talaga! Bastos! Impakto!"

  

"Babe, sorry na! Maniwala ka, saglit ko lang nakita mga 0.99 milliseconds lang, hindi ko nga tinitigan!"

   

"Argh!!"

  

"Saka babe, likod mo lang naman eh. Sayang nga di ko nakita yang sa harap! Aray!!"

   

Isang malakas na sampal sa mukha ko ang huling binigay niya bago siya tumalikod sa akin at nagtago sa ilalim ng kumot.

Aray! Ang sakit nun ah! Napahawak tuloy ako sa pisngi ko.

Umupo ako sa tabi niya. Teka, umiiyak ba ang babe ko? Nakarinig ako ng mahihinang pag hikbi.

Hala! Pinaiyak ko siya, naku paano ba to?? Nataranta naman ako, ano ba ang dapat kong gawin?? Ayaw ko pa namang nakikita siyang umiiyak.

  

"Babe.." tinatapik tapik ko siya.

  

Hindi siya gumagalaw, patuloy lang siya sa pag hikbi. Alam kong pinipilit niyang itago ang pag iyak niya.

  

"Babe naman eeeh. Sorry na. Maniwala ka, hindi ko talaga yun sinasadya."

   

Hindi parin siya kumikibo, nakikita ko ang pagtaas baba ng balikat niya senyales na umiiyak talaga siya.

Nakonsensya naman ako, dapat pala itinago ko nalang at hindi ko na sinabi sa kanya. Ayan nagalit tuloy.

Teka, may promise siya diba, na pag nagalit siya iki-kiss niya ako..

  

"Babe, sorry talaga.. Wag ka na magalit, remember yung promise mo kanina. Sabi mo hindi ka ma....."

   

Nagulat ako nang bigla siyang umupo at ang sama ng tingin sa akin! Hindi ko tuloy natapos ang sasabihin ko. Umiiyak nga siya, basang basa na ang pisngi niya at namumula ang mga mata niya. Naawa ako sa babe ko. Gusto ko siyang yakapin, pero bago ko pa siya mahawakan..

Hinila niya ang kwelyo ng damit ko palapit sa kanya at saka niya ako hinalikan.

Hindi ko magawang gumanti sa mga halik niya, parang ang bigat sa pakiramdam. Hindi ako masaya sa ginawa niya.

Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon