VIC
Natutuwa talaga ako dito sa babe ko, para siyang inahing baboy, pero sexy. Pagkatapos kase kumain, matutulog! Hinayaan ko nalang siyang makapag pahinga, mukang napagod eh.
Andito na kami sa tapat ng bahay namin. Pinagmamasdan ko lang kung paano matulog ang babe ko. Mamaya ko na siya gigisingin.
Halos 30 minutes ko ata siyang tinititigan, hindi parin siya nagigising.
Dumidilim na kailangan na naming pumasok sa loob. Parang wala namang pagbabago sa bahay, parang wala pa ngang tao eh. Pero bakit pinauwi agad ako. Malalaman ko ang sagot kapag pumasok na kami sa loob.
"Babe.."
Hinaplos ko ang pisngi niya. Nagising naman agad siya.
"Sorry, nakatulog ako. Nasaan na tayo?"
Kahit talaga anong oras, kesyo bagong gising pa yan or puyat, ang ganda talaga ng babe ko. Kaya lalo akong naiinlove eh.
"Dito na tayo sa bahay natin, babe.."
Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Haha.
"Anong bahay natin?! Hoy Vic!! Saan mo ako dinala?!"
"Relax babe. Ikaw kase, tulog ka ng tulog eh. Haha." grabe naman kase siya maka react. Haha.
"Isa, Victonara!!" aish, mainit na ang ulo!
"Nasa Pampanga tayo, babe. Tara na sa loob."
"Ayoko! Iuwi mo na ko sa Manila!"
"Gabi na babe, bukas nalang. Tara na, para makilala mo rin si dad at kuya ko."
Bumaba na ako ng kotse, pero ang babe ko ayun nasa loob parin. Umikot ako sa side niya at saka ko binuksan ang pinto.
"Babe, baba ka na dyan."
"Ayoko!" sagot niya, naka cross arms pa.
Haay, ang kulit talaga niya pero cute. Gusto lang nito pinipilit siya eh, pakipot talaga..
Tinanggal ko ang seatbelt niya. Ayaw mo ah.
"Hoy hoy, Vic! Ano ba?!"
Pilit ko siyang binubuhat. Kaso, malaki talaga siya eh. Haha.
"Oo na! Bababa na! Bitawan mo na ako! Chansing ka lang eh!"
BINABASA MO ANG
Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)
Fanfiction"The more you hate, the more you love.."