MIKA
"Eh kung sabihin kong... Oo!"
Putcha! Bakit ko sinabi yun?
Biglang napa angat ng ulo si Vic, mukhang nagulat din siya sa sinabi ko eh.
Pinaharap niya ako sa kanya.
At ang mga ngiti niya, abot tenga na naman.
"Seryoso babe?"
Tinakpan ko ang mukha niya gamit at kamay ko. Nakakainis kase ang cute eh, nawawala na ang mata niya sa pagpapacute at ang mga labi niya, ayun mapupunit na naman!
Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa mukha niya.
"Joke ko lang yun! Naniwala ka naman! Haha!" kailangan ko makalusot.
Bigla naman siya nag pout! At ang sama ng tingin sa akin.
"Jokes are half meant, babe."
Haaays. Nakakaloko ang mga ngiti niya ah! Baliw na talaga eh.
Umahon na ako mula sa pool at naglakad papunta sa gazebo ng resort.
Sh*t! muntikan na ako dun ah.
Mula dito sa pwesto ko ay nakikita ko ang mga friends namin na masayang naglalaro. Nakakamiss din ang mga ganitong bonding. Puro na kase trabaho ang priority namin eh.
Nakaramdam ako ng lamig, bigla kase humangin. Pasado alas onse narin kase, lumalalim na ang gabi. Pero wala paring kapaguran ang mga kasama ko.
Habang nagmumuni muni ako, bigla naman sumulpot sa harap ko si Vic. May dala siyang isang tasa ng hot choco.
"Babe, pampainit oh. Nilalamig ka na ba?"
"Uy gusto ko yan, thank youuu." kinurot ko siya sa pisngi.
"Babe, tama na panggigigil. Alam kong cute ako."
Hampasin ko nga, yabang eh.
"Tse!"
Tumabi naman siya sa akin.
"Bakit isa lang tong tinimpla mo? Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko na kailangan niyan babe, makatabi lang kita sobra nang nagiinit ang buong katawan ko. Paano pa kaya kung yakap pa kita, baka mapaso ka na!" sabi niya sabay kindat!
"Baliw!" kinurot ko naman siya sa tagiliran.
Sadista na kung sadista. Haha!
Tumahimik na rin naman siya. Pinapanood nalang namin ang mga kaibigan namin.
Napapatingin ako sa kanya, mukhang may malalim na iniisip itong isang to ah.
Humangin ulit, grrrr! Ang lamig, hindi tumalab yung hot choco.
Tumayo naman si Vic at nagpunta sa kwarto nila. Pagbalik, may dala siyang jacket.
Inilagay niya sa likod ko ang jacket niya.
"Bakit kase hindi ka pa maligo, lalamigin ka lalo eh."
"Okey lang ako. Hindi naman ako nilalamig eh."
"Tsk, tumigil ka nga! Nilalamig ka alam ko, ramdam ko eh. O baka naman gusto mo, yakapin nalang kita?" taas baba ang kilay niya habang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)
Fanfiction"The more you hate, the more you love.."