MIKA
Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng alarm ko. Hawak ko ang ulo ko dahil sumasakit ito. Tinignan ko ang buong paligid, andito pa naman ako sa kwarto ko. Nabaling naman ang tingin ko sa katawan ko..
Ow, f*ck! Bakit wala akong suot na shirt? Nakakarinig ako ng mga yabag papalapit sa kwarto ko kaya naman dali dali kong binalot ang katawan ko sa kumot.
"Good morning babe.. Breakfast in bed?"
Pumasok si Vic na may dala dalang tray ng food. Lumapit siya sa akin at saka umupo sa tabi ko.
Nakakaloko ang mga ngiti niya.
Ano ba kase ang nangyari? Sa totoo lang wala akong matandaan kundi yung concert ni DJP!
Nakita ko ang mata niya ba napababa ng tingin sa katawan ko sabay ngiti na naman niya.
Argh! Don't tell me..
Me and Vic? We did it?
"Hoy! Anong ginawa mo sa akin?" bulyaw ko sa kanya sabay hapit ng kumot sa katawan ko.
"Babe, wala po akong ginawa sayo. Tara, kain na tayo."
"Wala? Eh bakit wala akong shirt? Manyak ka talaga! Nakakainis ka!" pinaghahampas ko siya ng unan.
"Aray! Teka babe, baka matapon yung pagkain." tumayo siya palayo sa akin.
"Nakakaasar ka talaga eh no! Nasaan na ang damit ko?!"
"Aba malay ko! Tinapon mo kaya yun kagabi! Tapos sa akin mo hahanapin?"
Walangyang to! Sumasagot pa! Hindi na ako nagsalita bagkus ay sinamaan ko nalang siya ng tingin!
"Oo na, hahanapin na." kakamot kamot siya ng ulo. "Babe, ikuha nalang kaya kita ng bago. Hindi ko nga kase alam kung saan mo naiwan ang damit mo."
"Bakit hindi ba dito sa kwarto?! May iba pa ba?!"
"Oo, sa sofa tayo unang.."
"Argh! Stop it! Ayokong marinig!" sabat ko sa sasabihin niya.
Babaeng to! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko, pinagtatawanan pa ako.
Ano ba talaga? Bakit wala akong maalala! Baka naman nilagyan niya ng pampatulog ang inumin ko tapos saka niya isinagawa ang plano niya sa akin! Manyak talaga siya! Dapat hindi ko nalang siya niyayang matulog dito sa bahay ko! Nakuha tuloy niya ang iniingatan kong pu....
BINABASA MO ANG
Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)
Fanfiction"The more you hate, the more you love.."