VIC
Hindi ko talaga kayang magsinungaling sa babe ko. Dahil sa kalokohan ni Cienne, napasubo na naman ako! Tama bang gumawa ng kunwaring resignation letter, at ako pa talaga ah?! Di ko tuloy alam kung paano lulusutan to.
Pero nagpapasalamat din naman ako dahil may magandang naging bunga ang pang gu-good time niya na yun. Dahil for the first time, napaamin ko rin ang babe ko. At pumayag siyang magpaligaw! Ahaha.
Pinagmamasdan ko siya ngayon habang kumakain. Ang cute niyang tignan kase. Ang lakas niyang kumain pero hindi naman tumataba.
"Vic, pwede ba wag mo akong titigan. Naiilang ako eh."
"Bakit naman? Ang sarap mo kayang pagmasdan habang kumakain."
Totoo yun, kayang kaya ko siyang titigan sa buong maghapon kung gugustuhin niya.
"Ano ako aso?! Kaasar ka! Yung mga pet owner lang ang alam kong natutuwa kapag pinagmamasdan ang mga alaga nilang maganang kumakain."
"Hahaha. Babe, iba ka talaga mag isip eh no? Talagang aso agad? Pwede rin naman 'baby'. Di ba natutuwa rin ang mga magulang kapag maganang kumakain ang mga anak nila, lalo na yung mga baby palang?. Kaya para sa akin, ikaw ang baby ko."
Hinawakan ko siya sa bewang at saka ko siya hinila palapit sa akin.
"Smile ka naman babe, wag ka sisimangot. Na-miss kita, sabi ko naman sayo hindi na ako sanay matulog mag-isa." binulungan ko siya.
Na-miss ko talaga siya, buong gabi ata akong gising kakaisip sa kanya. Sinubukan ko siyang tawagan para kahit papaano ay marinig ko ang boses niya, kaso pinapatayan niya lang ako ng phone. May pagka maldita talaga siya. Haha.
"Wag ka nga masyado dumikit, naiinitan ako." tinutulak niya ako palayo sa kanya.
"Masyado ba akong hot, babe? Alam ko na yun, matagal na. Haha."
"Tsk, kapal mo!"
Hay, lagi talaga siyang kontra sa akin.
"Babe, mag-date tayo mamaya."
"...Ano ba yan, babe. Eto tubig oh, dahan dahan ka kase sa pagkain."
Bigla siyang nasamid, kaya inabutan ko siya ng tubig.
"Ehem! Date?! As in date talaga?!"
Ano naman kayang nakakagulat sa sinabi ko? Normal lang naman na may magyayang makipag date sa isang dilag na kagaya niya.
BINABASA MO ANG
Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)
Fanfiction"The more you hate, the more you love.."