MIKA
Maloko talaga tong Vic na to! Akala niya hindi ko nahahalata na gusto niya maka-tyansing sa akin!
Syempre ayaw ko pa naman mamatay noh, kaya niyapos ko na rin siya, baka malaglag pa ako eh.
Nagbiyahe na kami papunta sa kung saan, hindi niya kase sinasabi sa akin kung saan kami pupunta. Ang lagi niya lang sagot ay 'dyan lang'. Mga kalokohan talaga nun.
Mabuti naman at medyo makulimlim ang langit, masarap mag biyahe hindi gaanong mainit.
Nakakatakot naman magdrive si Vic. Pasingit singit pa sa mga sasakyan, tapos minsan bumibilis ang takbo niya. Parang sinasadya pa talaga nitong mokong na to eh. Nakikita ko kase na napapangiti siya sa tuwing hihigpit ang pagkakayapos ko sa kanya. Baliw talaga!
Naka stop kami ngayon sa may intersection. Nag-inat inat muna ako, ang sakit na ng pwet ko eh.
"Hi, sexy." narinig ko na may nagsalitang lalaki.
Napalingon naman ako sa katabi naming sasakyan.
Nakakatakot naman itong si manong! Mukang adik eh. At titig na titig sa legs ko. Asar!
Napatingin din naman si Vic sa katabi naming sasakyan. Tapos bigla naman tumawa si manong, hindi ko naman kase nakita ang facial expression ni Vic nung tumingin siya. Ano kaya yun? Bakit kaya bigla nalang tumawa si manong?
Ini-wrap naman ni Vic ng mahigpit ang braso ko sa bewang niya. At saka kami nagpatuloy sa pag biyahe.
"Sa susunod wag ka na magsuot ng shorts kapag naka motor tayo ah. Ayaw ko kase ng nababastos ka, kaya sumunod ka naman sa akin paminsan minsan." may pagka dominante ang tono ng boses niya.
Hinigpitan ko ang pagkapit sa kanya, para narin akong naka yapos sa kanya mula sa likod.
"Opo.." pagpapakumbaba ko sa kanya, hindi kase ako sumusunod ayan tuloy nagalit na ang driver ko.
Yung nangyari parin pala kanina ang iniisip niya, kaya pala bigla nalang siyang tumahimik.
"Wag ka malikot, baka tumaob tayo."
Hmmp, sungit naman! Para nag inat lang. Nangangalay na kase ang hita ko.
Ang boring naman, maganda nga ang nakikita kong tanawin kaso para naman akong may kasamang pipe. Hindi nagsasalita, kanina lang ang kulit kulit niya tapos ngayon, wala, nga nga ako mag isa. Masyado ata siyang naging seryoso, nakakapanibago naman.
Kinuha ko ang earphone at cellphone ko sa bag, makikinig nalang ako ng music. Tutal hindi rin naman niya ako pinapansin.
Kinakausap ko siya, pero puro tango at iling lang ang sagot niya. Kainis, parang wala ako sa likod niya ah.
Kinulbit ko siya, kaya huminto muna kami sa gilid ng hi-way.
"Bakit? Mag CR ka?" tanong niya.
Umiling lang ako at saka ko hinubad ang suot niyang helmet. Inilagay ko sa tenga niya ang isang piece earphone ko.
"Ayan, makinig ka! Baka sakaling lumamig ang ulo mo! Hmmp, sungit!."
Natawa lang naman siya sa ginawa ko.
Nagpatuloy na kami sa pag biyahe. In-on ko na ang music player ko. Haaaayyy.. Nakakarelax ang tugtog. Parang inaantok tuloy ako. Haha.
Hmmm. Parang malamig ang simoy ng hangin ah. Nasaan na ba kami?
BINABASA MO ANG
Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)
Fanfiction"The more you hate, the more you love.."