Forty

6.5K 108 12
                                    

MIKA

Ang lamig!! Pero thanks to Vic, medyo nawala ang panginginig ko. Ang init kase ng katawan niya, pero wala naman siyang lagnat.

HOT! lang daw talaga siya, sabi niya. Tsk tsk, ang kapal talaga.. ng balat! Haha.

Ang lakas parin ng ulan at hangin, nakakatakot naman. Hindi ako makatulog. Pero itong katabi ko, aba ang sarap na ng tulog. Sobra atang napagod sa pinag gagawa namin kanina. Haha.

Don't think green ah..

"Kapag ba umalis ako, mamimiss mo ko?"

Bakit kaya bigla naman niya naitanong yun, aalis ba siya?

Hmp! Bahala siya sa buhay niya!

Hindi talaga ako makatulog, napagod din naman ako kanina, para tuloy akong naka droga na high na high! Baka may nilagay siyang kung ano sa food ko ah, naku malaman ko lang lagot siya sa akin!

Pinagmamasdan ko lang si Vic habang naghihilik. Isang maliit na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang buong mukha niya.

Ang sarap niyang tignan habang natutulog, ang bait kase. Haha.

Inilagay ko sa noo niya ang index finger ko pababa sa nose bridge niya.

In fairness, ang ganda ng tubo ng eyebrows niya. Kaso ang itim naman ng eyebag niya, haha. Ang mean ko! Baka naman busy talaga siyang tao, laging puyat. Tuturuan ko nga to kung paano maglagay ng pipino sa mata.

Kainggit naman ng nose niya, siya na ang nabiyayaan!

Hmm, yung lips? Pwede na. Haha.

Nasa tip na ng nose niya ang finger ko, kaya naman tinulak ko iyon pataas. Hihi, nakakatawa naman itsura niya. Mukha siyang.... Ayoko sabihin..

Gumalaw siya, kaya umayos ulit ako ng higa at nagkunwaring tulog. Haha. Pasensya na, hindi ako makatulog eh. Kaya kung anu ano nalang ang ginagawa ko.

Nung alam kong nakatulog na ulit siya, inulit ko ulit ang ginagawa ko sa kanya. Haha.

"Babe, tulog na. Wag makulit."

Hihi, gising pa pala siya.

"Hindi ako makatulog.." sagot ko sa kanya.

Dinilat niya ang isang mata niya.

"Higpitan ko yakap ko sayo babe, para makatulog ka."

"Tyansing!"

Nung yayakapin na niya ako, bigla ako umupo. Sobra sobra na siya ah.

"Vic, pa text nga pala.. Low bat na ako."

Inabot naman niya agad ang phone niya, tapos pumikit ulit.

"Walang password?"

"Wala babe, wala naman akong tinatago." sagot niya ng nakapikit parin.

Ah, okey!

Pag open ko ng phone niya..

Aba! Nagulat naman ako sa nakita ko. Yung picture pala namin kanina ang wallpaper niya.

Ite-text ko lang si Cienne, baka magalit kapag hindi ko siya nireplyan. May toyo rin kase yun minsan.

Nung ibabalik ko na sa kanya, nag vibrate ang phone niya. Agad kong in-open ang message baka kase si Cienne ang nagreply.

Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon