Chapter 2

32 3 0
                                    

Gulat akong napatingin kay Cron na nasa harap ko lamang dahil sa pagkirot ni Lhea sakin sa gilid. Kaya gulat rin niyang nakitang nakatingin ako sa kanya.

"Kanina pa pala ako nagutom." Si Lhea at nilantakan na ang pagkain sa harap. Tila walang alam sa nangyayaring titigan pagitan samin ni Cron.

Itinuro ni Cron ang kanyang sarili. Mas lalo akong nagulat ng mag sink in sa utak ko yong gusto niyang ipahiwatig.

Nakikita ko sa gilid na nakatayo lamang yong Hex ang pangalan at parang may hinihintayng sagot. Nilingon ko rin si Theo na nagaabang nang maisasagot ko.

"HINDI NO!" sigaw ko.

Naubo naman si Lhea sa gulat niya nang sumigaw ako. Nakita ko naman ang paghinga ni Cron na parang malaya na siya.

"Ow!" asik ni Janrix ng matapunan siya ng tubig galing sa bibig ni Lhea.

"Hala!" dali-dali siyang tumayo at pinunasan si Janrix.

"I'm sorry! Nagulat ako,"

"It's okay." sabi ni Janrix. Tumikhim si Marv.

"So saan tayo pagkatapos nito?" Change topic agad ni Marv.

Umupo si Hex sa gilid ko. Umusog naman ako ng unti.

Phew! Akala siguro nitong Cron na crush ko siya. Kakabreak ko ngalang sa jowa ko- este ex ko tas mag ka-crush agad ako? Napailing nalang ako at tinuloy ang pagkain.

"Pops?" Ang katapid ko.

"Mag aral nalang tayo. Galing lang tayo don kagabi eh!" sabi ni Cron na kakatapos lang kumain.

"Right, Malapit na ang Prelim." Sabi nang nasa gilid ko.

Bumalik si Lhea sa gilid ko at kumain ulit.

Dinalian ko nang kumain. Tumayo na ako pagkatapos kumain.

"Chew, alis na ako salamat sa foods ah?" Hindi pa tapos kumain si Lhea pero uminum agad siya ng tubig at tumayo narin.

"Tapos kana? Bilis mo kumain ah?." Si Cron.

"Si Hex bumili niyan." si Janrix. Mas lalo lamang akong nahiya.

"Matakaw 'yan." napanguso ako sa pagpapahiya ng kapatid ko. "Sige ingat. Saan ka matutulog?"

"Sa condo mo nalang." Tumango lamang ang kuya.

Nakayuko akong hinarap ang nasa gilid ko.

"Uhm, excuse me."

"Ow!" agad naman siyang tumayo.

"Salamat sa food guys!" si Lhea. Hinatak ko na siya dahil sobra na ang hiya ko sa first meet ko sa mga kaibigan ng kuya ko. Sa susunod hindi ko na dadalhin si Lhea!

"Saan tayo maga-aral?" Kahit medyo malayo na kami narinig ko ang tanong ni Theo. Aaral? Himala! Pambababae nalang sa Pops!

Panay ang puri ni Lhea sa mga kaibigan ni Theo. Nahiya padaw siya dahil sa nagawa niya kay Janrix. Sinisi pa ako.

"Eh sinong gumagawa ng storyang may crush ako?!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko na kinaya kinilig ako! Yon lang naman ginagawa natin kapag may echichismis tayong nasa harap!" pinagtangol pa ang sarili.

Hindi ko pa na sabi sa kanya ang tungkol kay Hex. Hindi niya alam na Hex yong hinalikan ko. I mean hindi ako sure kasi masyadong madilim at maingay, matao ang club na pinuntahan ko. Hindi ko naaninag nang klaro ang mukha. At nong pagkalabas naman blurry ang paningin ko dahil sa luha at nahihiya ako sa paghalik sa kanya. Na curious tuloy ako lalo kung siya ba talaga iyon. Pero Hex nga ang pangalan! I have to ask him!

A Wild WorrisomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon