Kinabukasan nagising ako ng maaga dahil sa sigaw ni Lhea.
"Ano ba!" kinuha niya ang kumot ko.
"Nakapanty ka lang matulog?!" agad niya binalik sa katawan ko ang kumot.
Bumangon ako sa pagkakahiga at tinignan ang kaibigan.
Pero nagulat ako dahil si Theo, Damir at Halder nasa gilid niya.
"Putek." bulong ko. Napakamot ako sa aking ulo.
"I told you huwag mo isama itong mga batang to dahil naka panty lang ang kapatid ko matulog." Sisi ni Theo. Poker face.
"Ba-bakit mo ba kami sinama?" Tanong ni Damir.
"Wala lang, para makita niyo ang mukha ni El kapag bagong gising at para may kasabay kami pababa, ang dilim pa eh."
Hindi ako umimik at ginulo ang buhok. Yumuko ako dahil hindi ko alam ang itsura ko.
"Umalis na nga tayo. Ikaw nalang sumama kay El, Theo." sabi ni Lhea at umalis na silang tatlo na nagtatalo.
"Bakit mo sila pinatuloy dito?" nagkibit balikat lang siya ng kami nalang dalawa rito.
"Magbihis ka na dahil aabangan natin ang pag silay ng araw." humiga siya sa kama ko. Pagod akong tumayo at pumuntang cr.
"El!" sigaw ni Vien ng makita niya kami. Naka bonfire sila at umupo sa buhangin. Nakapamulsa si Theo sa gilid ko habang nakapatong ang kanyang braso sa balikat ko.
Kumaway ako habang papalapit kami sa kanila. Nandito rin ang mga kasamahan ni Theo. I saw Hex's with Zina.
"Inaantok pa talaga ako." sabi ni Theo sa gilid ko. Nilingon ko siya at inalis ang kanyang braso.
Tumalon ako at nag piggyback sa kanya. Hindi naman siya nag reklamo.
I am only wearing a plain high waist short at naka henley crop top.
"Ang gaan mo." sabi ni Theo.
"Inaantok rin ako." ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat at pumikit.
"Ito talagang si Lhea parang bata. Parating nagpapalambing sa kuya!" sabi ni Lhea. Kinaway ko muli ang aking kamay at di na siya tinignan.
"Bihira nalang." sabi ni Theo.
Naramdaman kong huminto siya.
"Theo." I heard Hex's voice. Kaya binuka ko ang mata ko.
"Bababa ako Chew." bulong ko. Pero mas hinigpitan niya ang kapit sa akin.
Putek! Ipinikit ko muli ang mata ko at pinatong ang ulo sa balikat niya. Humaplos sa katawan ko ang malamig na hangin.
"Oh? Bakit?" sabi niya. Gumalaw si Theo. Wala akong narinig na salita galing kay Hex. Pero gumagalaw galaw si Theo.
"Chew gininugutom ako." ibinaba niya ako.
"May pagkain don tara." sabi niya.
Wala na si Hex sa gilid at na sa lamesa na.
Niyakap ko ang aking braso dahil sa naramdamang lamig.
Iniwan ako ni Theo sa lamesa dahil napagpasyahan nilang mag volleyball. Alas kwatro y media palang ng umaga.
Biglang may yumakap sa akin na mainit sa pakiramdam. Inilagay ni Hex ang kanyang leather jacket sa likod ko.
"Don't wear something like that. Giniginaw ka."
Uminum ako ng tubig. "Salamat." sabi ko at inayos ang jacket.
Umupo ako at tinignan sila Lhea na naglalaro. Kaming dalawa lang ni Hex ang natira dito sa may lamesa.