Linggo nang hapon ay pauwi na kami. Dahil may klase pa bukas. Balak pa sana mag extend ni Theo pero hindi ko pinayagan.
Pagkatapos nang nangyari namin kahapon ni Hex ay hindi na ako lumabas pa ng kwarto. Nagpapanggap na masakit ang tiyan.
Hindi kami nagpapansinan. Minsa'y nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin na parang walang nangyaring ganon, kaya mas pinili kong huwag tumingin sa kanyang mga mata.
Gago ba siya? Tinitingin niya sa akin e binitin niya ako kahapon. I was begging. Pumikit ako dahil nakakahiya ang ginawa ko. He even touched me there!
"Dito kana samin sumakay El." nagulat ako nang magsalita si Vien. Ano ba itong iniisip ko?
Sabi ni Theo na sa kotse nila ako sasakay.
"Sayang naman. Makapag usap pa sana kayo nitong si Halder." tawa niya.
Tumikhim si Hex at sinenyasan sa mukha si Theo. Wait, what was that?
"Uhm, huwag na Vien dito na si El para maasikaso ko." kaya hindi na sila pumalag.
"Hex, pwede rin ba ako dy-"
"Hi Zina. Sorry masikip na sa loob eh pag dito ka sumakay." si Janrix. Sabay takip sa likod nito.
"Ah okay, bye Hex ingat." sabi niya.
Padabog kong kinarga ang maleta ko. Baka nakakalimutan nang bruhang to may kasalanan siya sa akin? Okay lang kami noong una pero ngayon hindi na. Kaya pala panay lingon siya sa akin ah.
"Aisshh!" sabi ko. Biglang kinuha ni Marv ang maleta ko.
"Akin na. Huwag kang magbuhat ng mga mabibigat."
"Thanks Marv." sabi ko saka naunang pumasok sa malaking kotse. Nasa gilid ako at nagulat ako ng sumunod si Hex sa akin.
Gulat talaga ako, bakit siya nandito sa tabi ko? Kaya ang mukha ko ngayon ay galit galitan. I mean, nahihiya ako sa ginawa ko kahapon pero para di mapagkamalang guilty hindi ko siya kakausapin.
Hindi ko siya pinansin. Hindi pa sila nakapasok dito, ang kotse nila Lhea ay papaalis na.
"El," parang nagtindigan lahat ng balahibo ko sa katawan sa pagtawag niya sa pangalan ko.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa condo. Masyadong maingay si Cron, Theo at Janrix sa byahe. Nasa harapan sila at kaming dalawa lang ni Hex sa likod. Nasa frontseat si Marv kasama ang driver. Akalain mo nagdala pa talaga ng driver na ngayon ko lang nakita.
Nakapikit ako boung byahe, kahit na maingay sila. Si Hex naman panay kalabit sa akin.
Aba, hindi ko alam na may lahi pala itong kulit. Hindi ba siya aware sa nangyaring pag badshot niya sa akin?
"Tss, ano ba!" mahinang sita ko pero natigil ang tatlo sa harap at lumingon sa amin. Tumaas ang kilay ko.
"Ano?" umiling sila at saka nag ingay ulit.
Napaisip ako kung anong rason ni Hex bakit hindi niya masabi sa akin na siya pala ang Hex na nakilala ko noon. Teka,
Naalala ko ang kanyang sinabi sa dalampasigan.
"He was in CIT-U, while I was in states. When I entered high school I asked my mom to continue my studies in Cebu. And I enrolled in some public school." Rugtong niya.
"Bakit sa public ka nag-aral? Akala ko pa naman gusto mong maging malapit sa kuya ko." Sabi ko.
"Exactly. After one year I transferred. Naging magkaklasi kami ni Theo."