Chapter 4

10 3 0
                                    

Mga ilang sandali lang ay naisipan kong pumasok bago humupa ang kaba.

Nakita kong si Marv nalang ang nasa sofa nakapikit ang matang nakahiga. Kinuha ko ang gamit ko para pumasok sa kwarto.

"Ano nangyari kay Hex?" nakabukas ang kanyang kanang mata ng tinignan ko siya. Nasa mga batok niya ang dalawang kamay.

Nagtaka naman ako sa kanyang tanong."Ha? Ewan, diko alam." Ani ko. "Asan sila?" dagdag ko.

"Umuwi na." Tumango nalang ako at kinuha na ang mga gamit. Dito daw matutulog si Marv katabi ng kwarto ni Theo. Ang kwarto ko naman malapit lang sa terrace sa pinakagilid.

Nasa kwarto na si Theo ng makitang wala siya sa sofa at kusina. Humiga ako sa aking kama pagkatapos tapusin ang inaral. Bukas ibang subject naman.

Marami akong inisip sa gabing yon at isa parin doon ang hiwalayan namin ni Amir. Pinilig ko ang ulo ko at pilit kinalimutan. Minsan nababagabag parin ako at maraming tanong sa isipan.

Natapos ang gabing 'yon na may kirot sa aking puso. Nagising nalang akong naalala ang halik ni Hex sakin kagabi. Agad akong naligo para kalimutan iyon.

Wala na si Theo ng lumabas ako ng kwarto kumain muna ako dahil may niluto siya pagkatapos umalis narin papuntang school.

Nasa room na sila Jam at Lhea ng makarating ako. Agad naman akong tinabihan ni Jam. Wala pa ang prof.

"How are you?" Bungad niya sa akin. Ngumiti ako.

"Fine, how was Christine?" balik kong tanong sa kanya. Tahimik lamang si Lhea sa gilid at naka cellphone.

"Nasa bahay siya nila nagpapahinga. Absent."

Tumango na lamang ako at umayos ng upo ng dumating ang professor.

"El, saan ka natulog kagabi?" Tanong ni Jam ng matapos ang klasi. Nagliligpit si Lhea ng kanyang mga gamit at hinihintay namin siyang matapos.

"Sa condo ni Theo. Doon muna ako pansamantala dahil baka pumunta bigla si Amir sa condo ko." Lumabas kami papuntang Wildcats Café.

"Baka sa susunod na araw babalik rin ako doon." Dagdag ko pa.

"I'll make sure na hindi makakalapit sayo si Amir. Kung gusto mo sa condo mo ako kahit pansamantala basta mabantayan kita." Tumawa ko.

"Huwag na!"

"Baka magwala na naman iyong si Christine pag nandon ka. Alam mo naman 'yon Jam." Sabi ni Lhea.

"Yeah right."

Maingay ang Wildcats Café ng makarating kami. Umorder kami at pumunta sa bakanteng lamesa para makakain. Maraming estudyanteng kumakain.

"Hi El!" Kinawayan ko ang isa sa mga studyante dito ng makita ako.

"Kilala mo 'yon?" Umiling ako sa tanong ni Lhea.

"Hindi mo naman ata to kilala si El, maraming fans." Tumawa si Jam. Ngumiti ako sa kanyang sinabi.

Sa kalagitnaan nang aming kain ay mas umingay pa ang café. Hindi ko nilingon dahil alam ko na ata kung sino. Ganito ako kapag naramdamang nandito si Theo umaalis ako o di kaya'y hindi lumilingon at tahimik lang sa gilid at di nagpapakita sa kanya.

"Oy, si kuya mo oh," Si Jam. Tumango ako at di lumingon.

"El papunta ata sila dito sa lamesa natin." Nanlaki ang mata kong nakatingin kay Lhea. "Ang gwapo talaga nila tignan lalo ng naka jersey silang lima!"

"Ang gwapo naman ni Cron magdala ng bola!" kung ano-anong pinagsasabi ng mga studyante.

Kinuha ko agad ang aking notebook at nagbabasa. Nagtaka naman si Lhea sa ginawa ko.

A Wild WorrisomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon