Chapter 13

4 0 0
                                    

Everything

Kinabukasan nagulat si Theo ng lumabas ako ng kwarto.  May kanin sa kanyang bibig at napamura siya.

"Putang ina!" nahulog ang mga kubyertos.

"Bakit?" sabi ko. At inayos ang buhok. Tapos na akong maligo at hindi pa ako nagbihis para pumuntang school.

"Hindi ka man lang nagpasabi na nandito ka pala!" sabi niya at pinulot ang kubyertos at kumain muli.

"Bakit may tinatago ka ba." sabi ko at kumuha ng tubig.

"Wala! Since nandito ka rin naman. Pakibigay nga 'to ni Hex."  natigil ako.

"Bakit ako? Pwede naman ikaw!"

"Iniiwasan mo ba siya?"

"Anong iniiwasan! Akin na nga!" kinuha ko ang ipapagibay niya.

"Marunong naman iyon mag luto siguro bakit ibibigay kopa'to?"

"Parati kasi niyang sinasabi hindi daw ako marunong mag luto at walang lasa. Ipatikim mo sa kanya yan ng tumindig siya. Haha!"

Inis akong lumabas sa condo niya.

Bumukas bigla ang pinto sa condo ni Hex matapos niyang malaman na may tao sa labas.

Ngumiwi ako ng nagkatitigan kami sa isa't - isa. Agad niya naman akong hinila.

"Ano ba!" inis kong sabi.

Kinuha niya ang dala kong pagkain saka ako hinila ulit papuntang kusina niya. Pagkalapag niya sa pagkain agad kong kinuha ang kamay ko at umakmang aalis. Nagtagumpay naman ako kaya tinalikuran ko na siya. Pumikit ako ng hilahin niya ako patalikod.

"Hex!"

Inamoy niya ang buhok ko. Ano ba pinagagawa nito!

"Damn,"

"Bitawan mo nga ako."

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Anong iniiwasan ka dyan!"

"Why are you shouting? Masakit sa tenga. Huwag ka sumigaw." sabi niya sa likod ko. Tumikhim ako.

"Bitawan mo ako." simpleng ani ko. Narinig ko ang tawa niya sa likod ko. "Ano ba..."

"I've been dreaming about this." sabi niya at hinigpitan ang yakap.

"Iniiwasan mo ako." rugtong niya pa.

"Hindi kita iniiwasan."

"Sabi mo eh."

"Bitawan mo na ako."

"Sabi ni Jam absent ka daw ng absent." sabi niya.

So totoo nga? Nirereport ni Jam lahat ng ginagawa ko sa'yo sa tuwing nagkikita kami? Kung si Amir naman kasama ko iba ang nagrereport sa'yo? Hinarap ko siya.

"Why is your eyes -"

"Bakit niya naman sinabi sa'yo?" nanlilisik na mga mata ang ipinakita ko sa kanya. Ngayon na sa likod ko naman ang kanyang mga kamay. He sighed.

"I asked him."

"Bakit ka sa kanya nagtatanong?"

"Theo didn't -"

"Ano?!"

"Hey, calm down. Let's sit. Sasabihin ko sa'yo." parang bata akong sumunod sa kanya sa upuan ng kusina niya.

"I asked Theo na huwag ka na niyang minomonitor. I want you to have a privacy."

Umupo ako sa tabi niya pero hinila niya uli ako. Galit na mukha ang pinakita ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wild WorrisomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon