Chapter 7

3 2 0
                                    

"Hello?" ulit ko ng makalayo na ako sa kanila.

"Finally," naging mabigat ang pakiramdam ko ng marinig sa kabilang linya ang boses ni Amir.

"I miss you so much." now I think I regret it.

"Bakit ka tumatawag?" Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para tanungin pa siya.

"I am really sorry, can we meet?" sabi niya. Napalingon ako sa mga kasama kong masayang naglalaro saka ibinalik ang tingin sa dalampasigan pero nabalik ang tingin ko ng makitang papunta si Hex sa kinaro-rounan ko.

"El? Still there? I just want to talk to you personally."

"Sige," wala sa sariling sabi ko. "I'll text you." Saka ko binaba ang tawag.

"What are you doing here?" lumingon ako kay Hex.

"Who's that?" balik niyang tanong sa akin.

"Ah kaibigan ko lang." tumaas ang kilay niya. "Totoo!" depensa ko.

"Wala akong sinabing hindi." napalunok ako sa sinabi niya.

"Bakit ka ba nandito?" pagi-iba ko.

"Pinahanap ka ni Theo, hindi mo kabisado ang lugar na 'to. Let's go." Deretso niyang sabi. Saka niya ako hinatak. Pero pinigilan ko siya.

"Ayoko," tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Sinundan niya nalang ako habang naglalakad. Hindi ko alam saan ang punta ko, nae-enjoy ko lang ang langhap ng hangin.

Nakayuko akong pinagmasdan ang sout niya. He is wearing a gray sweat shorts and a fine white T-shirt na nakatago sa kanyang leather jacket.

"Did you use it?" He asked. I faced him at huminto.

"Ang alin?" irita kong sabi.

"The highliters I gave you." Tumango ako at tinignan na lamang ang dalampasigan.

"This is so relaxing. Nakakalimut sa problema ang feeling na 'to." Tinignan ko siya na ganon rin nakatingin sa dagat.

"Bakit kayo nandito? I mean sa lahat ng beaches dito talaga?" tanong ko ng di niya pinansin ang sinabi ko.

"Hmm." Sabi niya.

"Anong klasing sagot 'yan?" pero di niya ako pinansin.

Tahimik lang kaming nakatayo dito, at tanging haplos lang ng hangin ang naririnig. Ang tahimik ng dagat. Umupo siya at ginawang pang upo ang kanyang stenilas. Kaya ganon rin ako.

"Sabi ni Theo matagal na raw kayong magkaibigan, totoo ba 'yon?" Hindi ko alam saang lupalop ko napulot ang tanong na iyon. Ang tahimik kasi. Kahit alam ko naman na high-school pa sila magkaibigan. Halleeer! Sinabi kaya ni Hex yon sa elevator.

"Yes,"

"Wala ka na bang ibang masabi? Ang ikli ikli ng mga sagot mo eh. Kung hindi naman maikli, ayaw sumagot. " Kumukunot ang noo ko at ngusong nakatingin sa harap.

"Paano ba kayo nagkakilala?" pinagpatuloy ko nalang wala rin naman akong ibang masabi kasi tahimik lang siya sa gilid.

"Elementary." Gulat na mga mata ng tinignan ko siya. Ano high-school tapos elementary pala?

"Di nga?!" poker face niya akong tinignan.

"I can't believe you." Sabi niya.

"Ha?"

Tumingin siya muli sa harap. "We became friends because of some online games." Tumango ako dahil naglalaro naman talaga si Theo non. Nakatunganga lang akong pinagmasdan ang pagalaw ng labi at mga mata niya.

A Wild WorrisomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon