Chapter 3

19 3 0
                                    

"Ingat!" sabi ni Theo bago kami umalis. Nagbihis ako, pinalitan ko ang T-shirt na sout ko na fitted top.

Sumakay kami sa elevator ng makarating at ang awkward parin.

"Uhm, Matagal na ba kayong magkaibigan ng kapatid ko?" Nagbabakasakali lang na maibsan ang tension dito sa loob ng elevator.

"Oo." Ikli niyang sagot. Parang hindi niya inaasahan na kakausapin ko siya.

"Kailan lang?" Nilingon ko siya. Pero nakatingin siya sakin kaya agad siyang tumingin sa harap.

Kumalabog ng todo ang puso ko kaya lumingon ulit ako sa harap. This time naka chin up. Pinipigilang tingnan siyang muli.

"High School." Nakapamulsa niyang sabi.

"Talaga? Hindi ko kayo napansin." Actually nagulat talaga ako dahil diko talaga sila napansin. Pero iniiwasan kong tumingin sa kanya.

Tumawa siya. "Of course you were busy."

"Busy saan?" tanong ko pero bumukas na ang elevator ng nilingon ko siya.

Nauna siyang maglakad kaya nasa likod niya ako. Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad. Malapit lang naman ang bilihan dito kaya nalalakad lang.

Nang pumasok kami, siya na ang kumuha ng mga inumin at hindi na nag abalang basahin ang nilista ni Theo. Ako naman naghahanap ng highlighter. Pero wala akong mahanap. Maya-maya'y napahinto ako ng may naramdamang nakatayo sa likod.

"They don't seem to have highlighters here. Do you really need that now?"
Nilingon ko siya pero ang lapit niya sa akin. Nagkatitigan ang aming mga mata.

I can smell his perfume. Nakatitig lang siya sa aking mata. Habang ang puso ko naghuhuromentado na sa kaba. Umiwas ako at umalis sa harap niya.

"Wala eh."

"I have a lot of highlighters, if you like, I'll give it to you."

"Talaga?" sumilay ang saya sa mukha ko.

Tumango lamang siya. At pumanhik na sa may counter habang dala ang basket na may mga inumin at pagkain.

Umupo ako sa gilid at hinihintay siyang matapos sa pagpapacounter.

The smell of his school uniform, his fragrance is not bad at all. It doesn't irritate your nose to catch yourself in the beauty of his scent. Hindi nakakasama. Tinignan ko ang likod niya. God, his body mass will probably impress women if he immediately take his clothes off right now. This guy was a mighty handsome stud.

Nakatulala akong tiningnan ang kanyang malulusog na balikat. Tumingin siya may dapit ko kaya agad akong napa upo ng maayos. Umiling ako ng ibinalik niya ang tingin sa harap.

"Let's go," Sabi niya ng matapos at pinagbuksan ako ng pinto. Nauna akong lumabas.

"I'll give it to you tomorrow, nasa bahay kasi ang iba at hindi ganon karami ang dala ko." Sabi niya sa pagitan ng aming paglalakad pabalik sa condo.

"Ahh okay, sige salamat."

"Hmmm..."

"Gumagamit ka pala non?" Sabi ko ng nasa loob na kami ng elevator. Hindi ko alam na ito talaga ang magiging dahilan ng paguusap namin. Nagdadalawang isip tuloy ako kung maganda bang gagamit ako ng highlighters o hindi.

Tumango siya. "I highlight those important things, so that I won't forget." Sabi niya at tumingin sakin. Nakatingin ako sa kanya kaya yumuko ako.

"You should do that too. It's easy for you to remember that there are also things that we have to highlight and that we should never forget." Sabi niya habang naunang maglakad nang makarating na kami.

A Wild WorrisomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon