Nagdaan ang mga araw ay naging mas busy ako sa papalapit na exam. Galing ako sa isang Coffee shop upang mag review kasama ko sina Lhea at Jam.
Hindi ko nakikita si Theo dahil di rin siya umuuwi sa condo niya. Doon parin ako natutulog. Ilang araw na rin kaming di nagkikita.
"El, I won't go home for a days. May outing kami ng barkada." mensahe niya sa akin sa isang text. Nagkibit nalamang ako ng balikat nang mabasa 'yon.
Hindi pa ako sigurado kung uuwi akong condo ko bukas. Dahil hindi na ako tinatawagan ni Amir. Di na siya bagpaparamdam. Naisip kong okay na siguro 'yon. Kaya pwede na ako umuwi. Hindi na siya gumagambala sa akin. I am still moving on and trying hard to really forget him.
"Ingat ka!" Nagpaalam ako sa kanila matapos ang ilang oras sa pagre-review.
I am on my way to Talisay upang bisitahin ang mommy ko. Minsan lang ako nakakapunta dahil busy kahit malapit lang sa school.
"Ate El!" sigaw ni Fae ng makitang bumaba ako sa kotse pagkatapos pinark sa bakuran. Sinalubong niya ako kasama ang kapatid.
"Hello baby!" She's 10 years old. Nagpakarga agad siya sakin.
"Where's mommy?" tanong ko kay Fairuz ng makita ko.
"Nasa loob po." A 12 years old boy. Pumasok kami sa loob.
I saw mommy talking with a woman. Nagtatawanan sila.
"Hi ma!" bati ko at binaba si Fae. Biglang nawala ang tawa niya. At lumingon sila sa akin. Agad naman siya tumayo at nagpaalam sa kausap. Hinatak ako ni mommy palabas upang kausapin. May nakita agad akong pasa sa paa na.
"Anong ginagawa mo dito El?" bungad niya sa akin. Pero hindi nawawala ang tingin ko sa pasa niya.
"Binibisita ko po kayo at saka ang mga kapatid ko." nangingiti kong sabi.
"Anong binibisita. Baka makita ka ni Fred!" sabi ni mama. Tinutukoy niya ang asawa niya.
"Mommy, hindi ba kayo masaya na nandito ako?" nanginginig ang boses ko pinipigilang maiyak. After years iyakin parin talaga ako.
"Sinusuportahan na nga kita't lahat umaaligid ka parin dito! Umuwi ka na!" tinulak niya ako.
"Mommy,"
"Umuwi kana El!" mahina lang ang boses niya pero napakatigas ng pagkakasabi.
Hindi ko nagawang magpaalam sa mga kapatid. Tinawag nila ako pero diko na nilingon dahil galit si mommy ng lilingon sana ako.
Is it bad to need a mother who supports you when you do something? They give us everything we want, but they don't give us any attention. I could still remember way back when I was high school. Third year high school.
"El? Is your mom here?" si Jam habang dala dala ang banner na may nakalagay na 'Go Ellihnette' na may picture ko rin.
"Wala pa nga eh." nalulungkot kong sabi. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko dahil baka masira ang make up ko. Intramurals namin at representative ako bilang Ms. Intrams para sa mga third year, pero kahit ni isa sa pamilya ko wala.
"Babe e text mo si Kuya Theo na pumunta rito." Sabi ni Jam kay Lhea. Umirap si Lhea at kinuha ang cellphone.
"He won't be here. May klase siya." sabi ko. Hindi kami parehas ng school ni Theo. Kaya malabong makakapunta siya.
"Minsan na ngalang kayo magkita dahil hindi kayo parehas ng bahay eh." Si Jam.
Nagsimula ang pageant ay wala akong nakitang mommy na nandito. Wala akong gana pero pinilit ko. Okay lang wala si mommy baka busy kaya kailangan kong maipanalo to para maging proud siya sa akin. Minumotivate ko ang aking sarili.