Chapter 15

487 19 0
                                    

Chapter 15: Tomorrow is

Elaine's POV:

"Elaine? Wake up now." Rinig kong paggising sakin ng isang babaeng familiar ang boses. Aleyah.

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at kumurap ng pangatlong beses.

Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo masakit pa din ito.

"Oh. Dahan-dahan lang." Sabi ni Aleyah at inalalayan akong umupo sa kama.

"Anong nangyari? Huling natandaan ko ay nasaksak ko si-----Omyghad! Si Zyrus? Kailangan ko syang puntahan! Sinaksak ko sya!" Pagpapanic ko at akmang tatayo na sana pero parang nahilo ako at inalalayan ako ni Aleyah na umupo nalang ulit.

"Aleyah, please. Kailangan ko syang makita." Pagmamakaawa ko and my tears are now started falling down my cheeks.

"Shhh. He's fine now. Nakalabas na sya kahapon." Kahit ganun ay kumalma naman ako. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya.

"Ilang araw na ba ako dito sa clinic?" Tanong ko.

"Four days kang tulog." Natigilan ako sa sagot ni Aleyah. Seriously? Dahil na siguro yun sa pagod ng matagal na pag-aaway namin ni Zyrus sa disyerto.

"Tsaka tomorrow is the first day of November." Kinabahan ako bigla nang binanggit nya ang buwan ng Nobyembre.

Where you kill in order to survive.

💀💀💀💀💀

Alas dos y media na ng hapon nang makalabas na ako ng clinic. Medyo ok na din pakiramdam ko.

May gathering ngayon sa harap ng stage dahil may iaanounce si Tita Tessa.

May mga kaunting mga peklat pa din ako sa mukha pero magandang dyosa parin.

Umupo na kami ni Aleyah sa nakalaang upuan samin sa harap. Nagsimula ng magsidatingan ang mga estudyante ang ang mga SSG OFFICERS na sina Zander, the VP; Erich, the Secretary bitch; Blake, the treasurer. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Wala si Zyrus? Siya ang Supreme Student President and supposed to be here!

"Good afternoon students!" Bati ni Tita Tessa sa mga estudyante.

"Well, I knew that all of you already know about tomorrow right?" Tanong ni Tita Tessa at tumango tango ang mga estudyante.

"I'll explain the instructions tomorrow about what will you gonna do tomorrow. First, you must say goodbye to your love ones." Nag-iba ang atmosphere sa paligid. Nakaramdam ako ng awa sa iba. Yung iba umiiyak na. Why are they so emotional?

"Elaine."tinawag ako ni Tita Tessa at sinenyasan na sumunod ako sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa office nya.

"Yes Tita?" Tanong ko nang makaupo na kami sa swivel chair.

Nakaharap ako sa kanya. May kinuhang papeles si Tita sa drawer nya at inilagay sa mesa.

"Elaine, if something might happen to me, ikaw ang magmamana sa lahat ng kayamanan ko. Pirmahan mo ito para mai-transfer na sa pangalan mo ang titulo ng school at iba lang kayamanan ko." Direktang sabi ni Tita na ikinatitigil ko.

"Tita, wag naman pong ganyan. Sobra naman po yata yan----"

"Sign this Elaine. Please." Putol nya at nagmamakaawa. "But Tita, all of these are yours." Sabi ko pa.

"I knew but I'm giving it to you" sabi pa nya at pilit na ibinigay sakin ang papeles.

"But why?" Tanong ko ulit.

"Just sign it please." Dahil sa pagmamakaawa ni Tita Tessa ay pumirma nalang ako.

"Please treasure this school for me." Sabi ni Tita at niyakap ako.

Weird.

Umalis na si Tita Tessa sa office nya para magpahinga kaya ako nalang mag-isa ang nasa loob ng office.

Inilibot ko ang tingin ko sa office at dumapo sa aking paningin ang telepono.

Napangisi ako. Tumayo ako at dali-daling pumunta sa direksyon ng may telepono. Dinial ko ang tell number namin sa bahay.

Nag-ring ito ng oang-ilang beses tsaka may sumagot.

Medyo gabi narin ngayon kaya malamang nasa bahay na si Mommy.

"Hello?" natigilan ako ng lalaki ang sumagot sa tawag. A familiar voice that I heard before but I just can't remember it.

"Hello? Sino ka po? San si Mommy?" Tanong ko. Tumahimik sa kabilang linya at may narinig akong parang sigaw ng isang babae na naka-tape ang bibig.

"Shut up!" Sigaw nung lalaki kasabay nun ay parang sinampal ang babaeng naka-tape ang bibig at inend call na.

Is it my Mom? Enlighten me please

Dark University (November's Special)Where stories live. Discover now