Epilogue

706 31 2
                                    

Epilogue

Third Person's POV:

"...pagkatapos nun namuhay na sila ng mapayapa at nagkaroon sila ng isang gwapong anak na lalaki at cute na anak na babae." Pagkukwento ni Elaine sa anak nya.

"Ang ganda po talaga ng story nyo Mommy!" Masiglang sigaw ng anak na babae ni Elaine at Zyrus na si Prisha Loraine Imperial at niyakap nya ang mommy nya.

"Dad! Si mommy oh. Kinukwento na naman nya yung love story nyong dalawa!" Sigaw naman ng anak na lalaki nina Elaine at Zyrus na si Sehun Ace Imperial.

Natawa si Zyrus at lumabas galing kwarto. Nakaupo sina Elaine at ang anak nyang babae ngayon sa living room.

"Pagpasensyahan mo na anak, talagang hindi talaga maka-move on ang mommy mo sa love story namin." Sabi naman si Zyrus at tumabi sa anak nyang lalaki.

Napailing nalang si Sehun Ace dahil sa sawa na syang makinig sa kakakwento ng Mommy nya ng love story nila.

"Mommy! Daddy! Gusto ko din mag-aral sa Dark University! Yung school ni kuya!" Sabi ng bunsong anak na babae.

"Naku bunso! Kapag high school kana ipapakilala talaga kita sa mga friends ko tsaka baka dun mo rin makikita ang kasing gwapo namin ni Daddy." Sabi naman ng anak na lalaki nina Elaine..

"Naku ikaw Sehun Ace ha, wag mong turuan ng ganyan ang kapatid mo. Ang bata pa nito." Suway naman ni Elaine sa anak nyang lalaki.

"Bakit mommy? Totoo namang gwapo kami ni daddy ah? Diba dad?" Ani ni Sehun Ace.

"Syempre mana sakin." Sagot naman ni Zyrus.

Tumawa nalang si Elaine.

"Kumusta naman ang trabaho mo sa school, anak? Sobrang stressful ba?" Tanong ni Elaine sa anak nyang lalaki

"Medyo stressful mom pero dad..."

"We are the Supreme Student President and it's our job." Sabay na sabi ng mag-amang Zyrus at Sehun Ace.

"Kayo talagang mag-ama" napailing nalang si Elaine at nagtawanan sila.

May nag-door bell kaya binuksan agad ito ni Sehun Ace.

"Loraine nandito na sina Tita Aleyah kasama sina Tito Zander!" Sigaw ni Sehun Ace.

"Aba! Si Zander lang ang sinabi mo ah." Biro naman ni Ryle.

"Kasama din sina Tito Ryle at Tito Blake!" Sigaw ulit ni Sehun Ace.

"Aleyah!!! Mabuti naman at nandito na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni baby Loraine ko." Sabi naman ni Elaine at niyakap ang matalik nna kaibigang Aleyah.

"Ito kasing si Zander eh." Sabi pa ni Aleyah at niyakap naman ito ni Zander.

"Sorry na kung matagal ako."naoatawa nalang si Aleyah.

"Alas!" Nag-apir naman sina Ryle,at Blake kay Zyrus.

"Alas din po ako!" Sambat naman ni Sehun Ace.

"Ayy naku! Halina kayo baka malate na kayo!" Sabi naman ni Blake.

"Bye Mommy! Bye Daddy!" Pagpapaalam ni Loraine.

"Mom! Dad! Alis na rin po ako." Paalam din ni Sehun Ace.

"Oh sinong maghahatid sayo Sehun Ace?" Tanong ni Elaine

"Mom ,alam ko naman ang daan papuntang school ko. Sa Dark University! Di na po ako---"

"Kami na din maghahatid. Namiss ko na din ang paaralan natin kaya pagkatapos naming ihatid si Loraine ay si Sehun Ace naman." Presenta ni Ryle.

Ngumiti naman si Ela at napasimangot si Sehun Ace.

Dark University (November's Special)Where stories live. Discover now