Chapter 20

461 20 0
                                    

Chapter 20: Cousins

Elaine's POV:

Masakit mang tanggapin pero tinanggap ko ang katotohanang wala na si Tita. Si Tita Tessa na may ari ng paaralang ito.

Biglang nag-sink in sakin yung pinapirmahan sakin ni Tita Tessa na papeles para mailipat saking pangalan. Kaya nya ba ginawa yun dahil mamamatay sya?

Inalalayan ako ngayon ni Zyrus palabas ng Gymnasium. Nakalabas na yung ibang estudyante kaya kami nalang ni Zyrus ang nasa loob ng Gymnasium

Pagkalabas na pagkalabas namin ay may nakabantay pala sa labas na naka-maskarang kulay blue na mga lalaki.

Inilabas ni Zyrus ang espada nya dahil parang lalabanan sya nung mga lalaki.

Lumingon lingon ako sa paligid at may nakitang wushu sticks.

Kinuha ko ito para man lang makatulog kay Zyrus na labanan ang mga lalaki.

Ang dami ni mukhang nasa sampu yata sila.

Sumugod ang mga lalaki.

Tumambling si Zyrus at iwinagayway ang espada nya at pinadaplisan ang leeg ng mga lalaking nakasalubong nya.

Napadaing sila dahil sa hiwa sa leeg.

Napunta sa direksyon ko ang mga lalaking sugatan sa leeg kaya pinalo ko ito ng wushu stick.

Natumba ang mga lalaki.

Napatawa ako ng mahina dahil nawalang na ang iba ng malay. Devil Elaine.

Pinagpagan ko ang suot ko at naramdaman kong may sumiko sa likod ko kaya na out-balance ako at napahiga.

Ang sakit nun ah.

Nakita ko ang lalaking sumiko sa likod ko. Naka kulay blue na maskara din sya tulad ng iba. Iniangat nya ang espada nya at akmang ihahambalos ma ito sakin ay lumingon sa direksyon ko si Zyrus nung nakita nyang papatayin ako ng lalaking nasa harap ko ay dali-dali nyang pinaslang ang iba pang natitira at pumunta agad sa direksyon ko.

Nung Malapit na sa mukha ko ang espada nung lalaki ay iniharang agad ni Zyrus ang espada nya at iniangat nya ito dahilan para mabitiwan nung lalaki ang espada nya.

Walang pusong tinusok ni Zyrus ang lalaking gustong pumatay sakin ng espada.

So this is what they said, November is where killing is legal kaya walang bakas ng takot o pangamba si Zyrus na pumaslang dahil legal ito.

Niyakap agad ako ni Zyrus.

"Are you okay?" Tanong nya, bakas ang pangamba sa tono ng tinig nya.

"Oo naman. Wala lang to." Sabi ko at akmang tatayo na ay parang nahilo ako.

"Oh. Dahan-dahan naman." Sabi nya at inalalayan nya akong tumayo.

"Wag na wag kang hihiwalay sakin. Po-protektahan kita." Sabi pa nya.

"Yes po " sagot ko.

Tumalikod sya mula sakin kaya nagtaka ako kung bakit nya ginawa yun

"Sakay ka." Sabi nya na nakatalikod sakin.

"Ha? Sa--sa likod mo? Naku, wag na. Kaya ko namang maglakad." Sabi ko at maglalakad na sana. Pero hinang-hina na ako dahil sa gutom at uhaw tsaka wala pang tulog ng ilang araw na ba o ilang weeks. Basta matagal na. Mamamatay na yata ako neto.huhuhu. Muntikan na akong matumba, buti nalang nasalo ako ni Zyrus.

"Kulit mo kasi, sakay na kundi bubuhatin kita ng pa bridal style----"

"Ito na nga sasakay na sa likod." Putol ko sa kanya at inalalayan nya akong maka-angkas sa likod nya.

Nung makasakay na ako sa likod nya ay nagsimula na syang maglakad.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami--- ayy sya lang pala.hihi.

"Dun tayo dadaan sa gubat sa likod ng school" sabi nya.

Tumango-tango naman ako.

"Sino ba pumatay kay Tita? Bakit nila nagawa yun?" Tanong ko. Saglit namang napahinto si Zyrus.

Napasinghap si Zyrus.

"Sina Arthur ang pumatay sa kanya. Nakita ko mismo sa mata ko ang walang awang pagpatay nila kay madame Tessa. Gusto ko syang tulungan pero ayokong magulo ang plano namin ipadakip sila ng pulis. Kaya ginawa ng grupo ni Arthur yun dahil gusto nilang angkinin itong paaralan pero dahil ikaw na ang may ari nito ay pinaslang nila si madame Tessa. Pinangako ko kay madame Tessa na kahit anong mangyari ay poprotektahan kita." Sagot nya. Malapit na kami sa may gubat sa likod ng school.

Maraming nagkalat na mga bangkay ng mga naka-maskarang kulay blue at meron ding iilang estudyante.

"Arthur?" Bigla kong natanong.

The name seems familiar. Parang narinig ko na to dati pa.

"Arthur Ad------wala. Nakalimutan ko ang apelyedo." Sabi ni Zyrus. But there's something that he's hiding.

"Zyrus naman eh" pagpipilit ko.

"Nakalimutan ko talaga." Sagot nya.

Pero alam kong alam nya,hindi nya lang masabi.

"Andami mo pang kasalanan sakin." Pagmumuni-muni ko.

Napatigil ulit sya at lumingon sakin.

"Gaya ng?" Tanong nya at bumalik na sa paglalakad.

"Gaya ng bakit moko sinaktan at sinabing hindi moko mahal, gaya ng babaeng kasama mong nagtatawan pa kayo na si pesteng Aubrey tsaka gaya ng hinalikan mo sya sa pisngi." Sabi ko at pinitik ang tenga nya.

Bahagya syang natawa kaya pinitik ko ulit ang dalawa nyang tenga.

"Ouch!" Daing nya.

"Tawa ka ha?" Masungit na tanong ko.

"Pano ba kasi pinagseselosan mo si Aubrey eh pinsan ko lang yun tsaka yung halik sa pisngi? Beso lang yun." Napa-nganga ako sa narinig ko.

"Talaga pinsan lang?!!" Tanong ko.

"Bingi ka? Bulag?" Pilosopong sagot nya kaya pinitik ko ang ilong na naman nya.

"Eh pano yung sinabi mong hindi moko mahal?" Kunot-noong tanong ko.

"Ahh yun. Sabi kasi ni Arthur na layuan kita kundi papatayin ka nya. Kaya ayun pero dahil nangako ako kay madame Tessa na poprotektahan kita ay tutuparin ko yun." Sagot nya.

"So mahal mo ba talaga ako?" Kumikinang ang mata ko sa sagot nyang...

"Oo naman." Sabi nya at niyakap ko ang leeg nya.

"Aray! Baka mapatay moko sa kakayap mo." Tumawa ako dahil sa sinabi nya. Loko 'to.

Dark University (November's Special)Where stories live. Discover now