Chapter 18: Killed
Third Person's POV:
Hinalungkat nina Elaine at Aleyah ang library para hanapin ang black envelope. Kahit na sa maliliit na sulok ay hindi nila ito pinalampas.
Sa kabila naman ay isang hindi inaasahang pangyayari na habang papalabas ng University si Tessa ang may-ari ng paaralan o Tita ni Elaine ay may dumukot sa kanya.
Pagkatapos nung nangyaring pagsagip ni Zyrus nina Elaine at Aleyah ay sumunod agad sya kay Tessa na papalabas pero hindi nya inaasahang dudukutin si Tessa kaya dali-dali nya itong sinundan.
Dinala ng mga lalaing naka-blue na maskara si Tessa sa isang lumang bahay. Abandonado na ito at daming sira.
Nikagyan ng mga lalaki ng tape ang bibig ni Tessa para hindi ito makasigaw.
Ipinasok nila si Tessa sa loob ng bahay ay sumunod na pumasok si Zyrus.
Nagpanggap si Zyrus na isa sya sa mga lalaking naka-maskara ng kulay blue dahil nagsuot din sya ng blue mask.
Itinali si Tessa sa isang upuan at kinuha ang tape sa bibig nya.
"Hayop ka Arthur!" Sigaw ni Tessa sa lalaking nasa harapan nya.
"Long time no see Tessa." Sabi ni Arthur na leader ng naka-blue mask.
"Ilabas si Rosalie!" Sigaw ng babaeng kapit ng kapit sa braso ni Arthur.
Tahimik lang na nanunuod si Zyrus sa tabi dahil kung gagawa ito ng scandalo ay malalaman nilang sinusudan na pala sila ng isa sa pinakamakapangyarihang nilalang ng University.
May inilabas na babae na galing sa isang kwarto. Si Rosalie. Rosalie Adamson ang ina ni Elaine.
"Walang hiya ka Arthur! Dinamay monpa ang kapatid ko!" Sigaw ni Rasalie nung nakita nya ang kapatid nya. Tumawa lang si Arthur at nang babae nya.
"Tessa, ibibigay mo ba saakin ang eskwelahan mo o mamamatay ang kapatid mo?" Tanong ni Arthur kay Tessa.
Si Arthur ay isang foreign pero dahil matagal na sya sa Pilipinas ay marunong na itong magsalita ng tagalog.
"Hindi na ako ang may-ari ng school na yun tsaka wag mong idamay ang kapatid ko." Galit na saad ni Tessa kay Arthur.
"Kung sa gayon ay wala kana palang silbi" sabi ni Arthur at pinaputukan ni Arthur ng baril si Tessa.
"Wag!!!" Iyak na sigaw ni Rasalie pero huli na ang lahat at napatay na si Tessa.
Sinubukang puntahan ni Rosalie ang kapatid pero hinila sya ng isa sa mga lalaking naka-maskara.
"Pati din po ba ito, Panginoong Arthur?" Tanong ng isa sa mga lalaki.
"Wag muna yan, may paggagamitan tayo dyan." Sabi ni Arthur at hinayaan nilang lumapit si Rosalie sa kapatid na pinatay.
Gusto sanang pigilan ni Zyrus ang pagpatay nila kay Tessa ngunit hindi nya maaaring gawin yun dahil masisira ang plano nila.
Matagal nang sinusubaybayan ng grupo ni Zyrus ang grupo ni Arthur. Nalaman nilang gustong angkinin ni Arthur ang eskwelahan mula kay Tessa kaya naisip ni Tessa na ipamana kay Elaine. Alam naman ni Tessa na hindi papabayaan ni Zyrus si Elaine.
Kaya naghahanda ang mga estudyante sa pagsasanay dahil sa maaaring pagsalakay ng grupo ni Arthur. Pero hindi nila inaasahang sa buwan ng Nobyembre pala nila ito gagawin.
Dali-daling lumabas si Zyrus sa abandonadong bahay at bumalik sa University.
Pagkabalik na pagkabalik nya doon ay dumiretso agad sya sa broadcast area kong saan maaaring marinig ng lahat ano man ang sasabihin nya.
"Attention students! Please gatjer yourselves in the Gymnasium. 1, 2, 3!" Ma awtoridad na utos ni Zyrus sa lahat kaya wala pang pangatlong bilang ay nagkukumpulan na ang lahat papuntang Gymnasium.
YOU ARE READING
Dark University (November's Special)
Teen FictionDark. No Light. Dark University where killing is legal and I thought that it only happened in a movie but in true life too. Welcome to DARK UNIVERSITY! This month of November you'll experience how's the life inside in Dark university. ALL RIGHTS R...