Chapter 17: I don't understand
Elaine's POV:
Ilang araw na kaming pasikot-sikot dito pero wala parin kaming makitang black envelope. Saan ba kasi nilagay yun?
Hindi kami nakakain ng ilang araw at sobrang gutom na. Wala din kaming tulog tsaka ligo.
What kind of school is this?
Naglakad nalang kami ni Aleyah papuntang library dahil sa pagod na kakatakbo namin.
Lumingon ako sa likod dahil parang may sumusunod samin and there is. A man wearing a blue mask with a black carpet on his back.
Hindi sya member ng DDG. Lumakad ito papalapit samin hanggang sa tumakbo sya.
Walang dalawang isip ay sinuntok nya ako sa tiyan kaya napa-daing ako. Dahil dalawa kami ni Aleyah ay siniko sya ni Aleyah dahilan para ma-out balance sya.
Nakabawi naman ito at hinila mya ang buhok ni Aleyah tsaka pinalo ang ulo at sinampal.
Tumambling ako at tinadyakan sya kaya napatilapon sya.
Inilabas nya ang espada nya. Inihagis nya ito papunta sa direksyon namin ni Aleyah kaya wala sa oras na naisigaw ko ang pangalan ni
"Zyrus!!!!!" Sigaw ko at isang lalaki ang sumulpot at pinalo nya ang espada ng lalaking naka-blue mask gamit ang espada nya dahilan para mapunta sa ibang direksyon ang espada. Zyrus came
Hindi nagdalawang isip si Zyrus na kunin ang espada nung lalaking naka-blue mask at inihagis ito sa direksyon ng lalaki. Iilag pa sana ang lalaki pero huli na ang lahat at tumama ang sariling espada nya sa tiyan nya. Natumba ito at dumanak ang dugo sa sahig.
"Hindi ko inaasahang ngayon pala kayo dadating." Sabi ni Zyrus sa hangin.
"Zyrus." Pagpapahinahon ko kay Zyrus dahil alam kong galit na galit sya.
"You killed him" sabi ko ng wala sa sarili.
"I'm ready to kill just to save you." Sabi nito tsaka mabilis na naglaho.
Napadaing ako ng fresh pa sakin yung pagsuntok ng lalaki sa tiyan ko.
Nakita kong may maliit na kutsilyo na dala ang lalaking naka-blue mask kaya dali-daling kinuha ko ito.
"Tabi tabi po,hiramin ko muna" sabi ko.
Nag-alalayan kami ni Aleyah na makapunta sa library.
Nang makapasok na kami doon ay sa hindi inaasahang pangyayari ay may bumulusok na maliit na kutsilyo sa direksyon namin at dahil naramdaman namin yun ay mabikis kaming naka-ilag.
Isang naka-blue mask na naman ang nasa harap namin.
Why are they here? Who are they?
"Well, well, well." Sabi nito at mabilis na hinila ang buhok ko.
"Bitiwan moko" banta ko.
Hindi nya ako binitiwan at tumambling si Aleyah at nasa likod na sya ng lalaki.
Hinila ni Aleyah ang buhok nito.
"So nagkalat na pala kayo." A statement or a question? She is talking with the guy.
Magkakilala sila? Yung sinabi ni Zyrus na hindi nya inaasahang ngayon sila dadating tsaka kay Aleyah naman nagkalat na pala kayo, anong ibig nilang sabihin? Gulong gulo na ang isip ko.
Tumalon ang lalaki dahilan para mauntog si Aleyah sa pader.
Sinakal nung lalaki si Aleyah at inangat. Nakatalikod sakin yung lalaki.
Naalala kong may maliit na kutsilyo pala ako rito kaya dali-dali ko itong kinapa.
Ayun! Kinuha ko ito at tumalon sabay tapon nung kutsilyo sa likod ng lalaki.
Nung tumama na ito sa likod ay nabitiwan nya agad si Aleyah.
"Are you ok?" Tanong ko kay Aleyah.
"I'm fine" sabi nya.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapatay ako ng tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/166020609-288-k356693.jpg)
YOU ARE READING
Dark University (November's Special)
Teen FictionDark. No Light. Dark University where killing is legal and I thought that it only happened in a movie but in true life too. Welcome to DARK UNIVERSITY! This month of November you'll experience how's the life inside in Dark university. ALL RIGHTS R...