PAUNANG SALITA

7.1K 88 10
                                    

Bienvenido! :)

Ayun, maligayang pagdating nga rito sa iyong kasalukuyang binabasa. Hehe.

Ako nga po pala si Erri Rier. Isa ring manunulat subalit hindi ako manunulat ng historical fiction at isa lamang masugid na mambabasa nito.

Una kong nabasa na HistoFic dito ay ang Zombie Me Tangere ni SundaySiopao noong 2012. Sila kuya lawrence087770, rickyxpie at kuya HaringArawBooks naman ang mga sumunod na nakilala kong manunulat ng historical fiction noong medyo naging aktibo na ako rito sa Watty. Siguro mga bandang katapusan ng taong 2013 noon--hindi ko na gaano tanda.

Mahilig ako mangalkal ng magagandang babasahin sa HistoFic at nais ko silang ibahagi sa inyo. Dati ko ng ginagawa ang pagpo-promote ng mga undiscovered gems sa HistoFic sa pamamagitan ng pagkokomento sa mga naghahanap ng magandang babasahin daw. Iyon nga lang, hindi ko alam kung binabasa ba talaga nila. Pero sana nga'y oo.

Ngayon na lang ako uli naging sobrang aktibo rito sa Wattpad kaya ngayon ko lang nabuo ito--na sana ay noon pa pala. Kaso masyado akong lugmok na lugmok sa buhay-kolehiyo ko noon kaya hindi ako nakakababad dito. Ginawa ko rin ito upang maipakita pa ang aking lubos na pagsuporta sa mga manunulat natin sa HistoFic lalo na roon sa mga umalis. At sana ay bumalik. Sana. Sana.

Dapat sana ay sa aking pangunahing account ito ilalagay. Kaya lang, mas maiging dito na lang kasi... inyo akong makikilala. Chos! Haha. Pero sa mga makakikilala ng aking panulat at boses-panulat, yari na. Hehe. Basta, atin-atin na lang. 😉

Dahil isa akong masugid na mambabasa ng HistoFic, bibigyan ko kayo, kayong mga naghahanap ng mga kakaibang akda mula sa mga hindi gaanong kilala o ayaw kilalanin ng iba na mahuhusay nating manunulat sa historical fiction.

Hanggang dito na lang muna ang aking kadaldalan dahil ako'y nauubusan ng mga salita. Susubukan ko pang palalimin ito upang ng sa gayo'y hindi ako matunton. Tsarot.

At bago matapos ang bahaging ito ng aking paunang salita, mayroon tayo pong pahina sa peysbuk. Sana ay mabisita n'yo rin kasi hindi ako magiging madalas dito dahil may sariling account akong kailangang pagtuunan ng pansin. At mas nauuna rin ang pagpo-promote ko roon kaysa rito. Pero, s'yempre babalik at babalik pa rin ako rito.

FACEBOOK PAGE LINK:
http://www.facebook.com/WattpadHisFicPH

Nawa'y maibigan ninyo ang mga nakalapag na akda sa bawat pahina.

Arigatou gozaimasu!

Ang inyong lingkod,
Erri Rier

Dedikeyted kila:
lawrence087770
HaringArawBooks
rickyxpie
GYJones
Fangsie
RedWhiteandBlue1992
JoeyJMakathangIsip
AnakDalita
mystrielle
YellowLock
WymasCarreon
justselah
xristianbryan25
-
LenaJoachimsthaler
RaggedyCat
AJ_Amante
preppymisfit
Stardust6969

Isang maligayang pagtuklas ng mga diyamante sa Wattpad HistoFic Pilipinas!

P.S: May mga idaragdag pa ako sa kanila. Pakiantabayanan na lang! :)

At ang mga may tsek (✓) po ay 'yong mga tapos na. Mga kompleto na at hindi na kayo bibitinin. 😉

xx ✨ xx

Para sa mga UNDISCOVERED GEMS.

QUALITY OVER QUANTITY.

xx ✨ xx

Kasi sa haba ng panahong hinintay
Ayaw ko lang na mauwi sa wala
Kaya pasingit naman!

Pasingit naman ng Stick Figgas

Mga Dapat Mong Basahin sa HisFic PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon