"Class, papasukin niyo na 'yong mga parents niyo." Utos sa'min ng adviser namin kaya nagsimula nang magsitayo ang mga kaklase ko pero nanatili pa rin akong nakaupo.
Parents, huh... pumangalumbaba ako at itinuon ang tingin ko sa mesa ko. I wanted to go home. Already. Para saan ba at nandito pa ako? All of this was nonsense. Lahat-lahat. Pero ang saya nila.
Mayro'n silang wala ako.
Mayro'n silang papapasukin. Ako, wala. Mayro'n silang kasama. Ako, wala.
Mayaman kami. Mas mayaman ako sa kanila. Bakit mayro'n sila no'ng wala ako?
A long sigh escaped my lips as I tried to find the answer. I couldn't find it. I was finding it a long time ago... and the answer I could find was... insecurities. Hindi iyon tama. Mali. Maling-mali, kaya sinubukan ko ulit na maghanap ng sagot.
Ano pa bang hindi nabibili ng pera?
Siguro, 'yon 'yong mayroon sila na wala ako.
"Ikaw Jazz, wala ba 'yong parents mo sa labas?" Nakangiting tanong sa'kin ni ma'am. Umiling lang ako at hindi nagsalita ng kahit isang salita.
Wala akong parents. Mayro'n pero parang wala. Lagi akong naghihintay tuwing ganito ang event pero lagi rin akong nadi-disappoint tuwing si yaya ang nakikita kong dumadating. Hindi naman sa galit ako sa kanya. Siya nga ang lagi kong nasa tabi. Ang uma-attend sa mga meetings na kailangan ng guardian. Parang nanay ko na si yaya.
Pero... hindi ko pa rin maiwasang hanapin 'yong presence ng totoo kong nanay. Kahit na wala. Patuloy ko lang dini-disappoint ang sarili ko.
Eventually, napagod din ako kaya tumigil na. Natanggap ko na wala talaga. Acceptance is the key nga raw sabi ni Deanne. In-apply ko na rito kahit na alam kong tungkol sa ex niya ang sinasabi niya no'n.
"Oh, sayang naman. Ang tataas pa naman ng grade mo." Muntik na akong matawa pero pinigilan ko. Hindi niya ako naiintindihan. Gano'n nga siguro. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi inintindi ang sinabi sinabi ni ma'am.
That was an another lie.
Hindi 'yon mataas.
Nakita kong pumasok na 'yong parent ng iba kong kaklase. Sinamahan nila iyong mga parents nila sa mga upuan nila. Mga bagay na hindi ko nagawa mula no'ng bata ako.
Umiwas na lang ako ng tingin at ngumisi para hindi mahalata ang pait na nararamdaman ko. I was envious of them. Kahit na hindi sila honor student o matataas ang grade, pumupunta pa rin 'yong mga magulang nila. Samantalang ako, kahit anino man lang ni mama, walang makita.
"Oh, Jazz. Ako muna ang pinapunta ng mama mo, busy raw kasi siya..." Nandito na pala si yaya. Umusod ako ng kaunti sa upuan ko para makaupo si yaya.
"Yeah, saw it coming..." Tamad kong sagot at pumangalumbaba ulit. Lagi namang ganito. Busy. Walang oras para rito. Ano pa bang bago? Sa tagal na ganito, nasanay na ako.
"Good afternoon po mga parents. So I think, pwede na po tayong mag-start?" Tanong ni ma'am na tinanguan lang ng ibang magulang. Iyong iba ay busy sa pakikipag-usap sa mga anak nila.
May mukhang masaya at may ibang pinapagalitan. Kahit ano roon, wala akong naranasan. Ganito yata kapag sarili mo lagi ang kasama mo.
Kuhanan namin ng card ngayon for first grading. Wala naman sigurong bago. More or less, iyong mga top students no'ng Grade 9 kami ay iyon pa rin hanggang ngayon. Though, hindi pa rin sure dahil maraming umangat. Palagay ko. Ito na kasi ang last na battle namin.
Next year, senior high school na kami. Magkakaiba na ng school o kung hindi man, magkakaiba naman ng strand. Graduating din kaya kailangan talagang mag-strive for achievement.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...