"'Wag ka ng umepal, Nase. She's Mine. Aihmiel is mine,"
What? What?!
Have I heard it right?
Did he really say it?
How could he say that with a straight voice and face?
Damn it.
Natahimik kaming lahat. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Sinabi niya ba talaga 'yon? Gusto kong isipin na joke lang 'yon pero masyadong seryoso 'yong mukha niya. Bahagya at pasimple akong lumayo kay Yttrium. Ano bang ginagawa niya? May gusto ba siya sa'kin? I mean, for real? Biro ba 'to? Prank? Kung gusto niya ako, hindi ba dapat masaya ako kasi mapapadali na iyong plano?
Pero bakit nalilito ako at hindi alam ang tamang isasagot?
I was clueless. Para akong na-out of place bigla.
Nabalik na lang ako sa wisyo ko nang sumipol 'yong Nase at ngumisi.
"Kain na nga lang tayo ulit. Epal kasi si Nase, e, pasok nang pasok sa eksena." Kumuha ng kanin sa kaldero si Hyd. Hindi pa yata siya nakakasimulang kumain mula kanina.
"Gutom ka pa ba?" Tanong sa'kin ni Yttrium. Peste. Ba't bigla akong nailang sa kanya?
Hindi naman ganito rati, ha?
"Uh... hindi na. Okay na ako." I smiled a little. Damn it all. Nawalan tuloy ako bigla ng gana, sarap na sarap pa naman ako sa laing ni Tita Jel. Hindi kasi sa'min nagluluto ng gano'n. Puro mga Chinese Cuisine o kaya Korean Cuisine. Nakakasawa rin kapag gano'n lagi, kaya nagke-crave talaga ako sa mga Filipino dishes. "Ah, ano... pahinging tubig na lang..." Mahina kong saad.
Kinuha ni Yttrium iyong pitchel at baso ko, nilagyan niya iyon ng tubig at binigay sa'kin na inabot ko naman agad. Nailayo ko na lang agad ang kamay ko nang magtama ang kamay namin. Bakit parang may kuryente no'ng nadampi iyong kamay ko sa kanya? Normal pa ba 'yon?
Bakit niya ba kasi sinabi iyon?!
And the more importantly, did he really mean it or not? I was dying to know!
Pagkatapos naming kumain, bumalik kami roon sa sala nila. Binuksan ni Nase iyong TV, Showtime na pala. Tiningnan ko iyong wrist watch ko para makita ang oras. 1:02pm na pala.
"Magbibihis lang ako." Sabi ni Yttrium at tumayo. Umupo sa tabi ko si Hyd.
"'Wag ka sanang mailang kay kuya, ah?" Nilapitan niya si Nase at binatukan. "Epal kasi 'tong Nitrogen na 'to, e! 'Yan tuloy!" Sermon niya sa kapatid niya.
"Hoy, Hydrogen! Ba't ako 'yong sinisisi mo? Nagjo-joke lang naman ako, e, malay ko bang biglang sasabihin ni kuya 'yon." Paliwanag niya habang sinasalag iyong batok ni Hyd... o suntok na yata 'yon. Kung saan-saan tumatama, e.
"Kambal ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Sabay silang tumingin sa'kin at umiling. Ang cute nilang magkapatid. Para silang galing sa xerox machine... gayang-gaya.
"Hindi, ah." Sabay rin nilang sabi. Nagtinginan sila.
"Hoy, Nitrogen, 'wag mo nga akong gayahin!"
"Hoy, Hydrogen, 'wag mo rin akong gayahin! Ano, suntukan na lang, oh? Palag ka na, ha?" Tumayo si Nase na parang naghahamon at pinatunog ang braso niya. Gano'n din naman si Hyd at kinuwelyuhan agad si Nase.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o pipigilan sila. Seryoso ba sila sa suntukan na part? Pakiramdam ko, laging stress din si tita rito sa kanila.
Pero kahit stress, parang ang sayang tumira rito kasama sila.
Bigla namang lumabas si tita sa kurtina. "Kayong kambal, umayos nga kayo! Ang laki-laki niyo na pero isip bata pa rin kayo!" Sermon agad ni tita.
"Ma, siya lang 'yon!" Sabay na naman nilang sabi with matching turo pa sa isa't-isa. Napalo na lang ni Tita iyong noo niya. Natawa naman ako nang mahina.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...