Naglakad lang kami palabas ng subdivision. Nakalimutan ko na rin na may kotse naman pala kami at pwedeng magpahatid na lang kami kay Manong Albert pero dahil masyado akong nainis sa outfit ni Yttrium, nawala 'yan lahat sa isip ko.
Pagdating namin sa kanto, pinalabas naman kami ng guard. Kilala na rin naman kasi ako ng guard dito pati si Yttrium dahil no'ng isang beses siyang pumunta rito kasama ako para sa Math tutorial niya sa'kin. Mula no'n, tuwing dumadaan ako rito, inaasar ako ni Kuyang Guard na boyfriend ko raw si Yttrium.
Kapag naiisip ko, parang gusto ko na lang sumuka. I mean, hindi ko talaga makita ang sarili ko na magiging girlfriend ako ni Yttrium at magde-date kami tulad ng mga normal na couple.
Come to think of it, lalabas kaming dalawa ngayon at pupunta sa ibang lugar. Hindi ba parang date na rin 'yon? I wasn't actually sure kasi first time ko 'to if ever. Devoted talaga ako sa study ko kaya wala pa akong alam sa mga ganitong bagay bukod sa nababasa ko sa mga libro.
"Saan tayo sasakay?" Tanong ko no'ng mapansin ko na walang nag-aabang na kotse o kahit anong pwedeng sakyan.
I wondered if this date would be fun for the both of us?
"Sa tricycle? Sa jeep?" Gulat akong napatingin sa kanya. Sasakay kami ro'n? Kinamot niya iyong batok niya. "Ayaw mo ba? Sige, mag-taxi na lang tayo." Mabilis akong umiling.
"Hindi... gusto ko nga, e! Pero sa tricycle tayo. Gusto kong matry mag-back ride! First timer ako." Excited na sabi ko at ngumiti nang malapad.
Hindi pa ako nakakasakay ng tricycle o jeep. Lagi kasi akong nakakotse o kaya naman ay taxi. Nakasakay na rin ako ng bus pero kapag may field trip lang.
"Oh? Hindi ka pa nakakasakay sa tricycle?" Umiling ako. Tumango naman siya at ngumiti. "Ang yaman kasi, e."
Naghintay kami ng dumadaan na tricycle, binuksan niya rin iyong dala niyang payong dahil mainit. Ngayon ko lang naisip na pati payong ay nakalimutan ko rin dalhin dahil Kay mama. Masyado akong pinressure kanina. Hindi ako sanay magpaalam tuwing gagala ako... hindi naman kasi ako gumagala.
Kapag may outing kami ng classmates ko, si Deanne pa ang nagpapaalam at may letter pa siyang dala na ginawa ng buong klase namin. May pirma nila 'yon isa-isa para payagan ako ni mama.
Responsibilidad daw nila ako kapag may nangyari sa'king masama, iyon lagi ang sinasabi ni mama kaya minsan, napipilitan na lang ako na 'wag nang sumama sa kanila.
Nang may huminto sa'min na tricycle, tiningnan pa kami nito na parang nagtataka.
"D'yan po kayo nakatira sa subdivision na 'yan?" Tanong sa'min. Tumango ako. Tinuro naman ako ni Yttrium. "Sure po kayong magta-tricycle kayo?" Tumango ako. Bakit ba hindi siya makapaniwala? Ito ba ang first time niya na makakita ng tao rito sa subdivision namin na sasakay sa tricycle?
Well, I couldn't blame him. Mayayaman naman talaga ang lahat ng tao rito at ang iba nga ay may-ari pa ng malalaking kompanya rito sa Pilipinas. May ilang artista rin kaming kapitbahay kaya hindi na talaga bago sa'kin ang makakita ng mga celebrities.
"Opo! Tara na. Excited na akong sumakad sa likod." Pumunta ako roon sa likod ng tricycle at sumakay. Pumasok si Yttrium sa loob ng tricycle at tiningnan ako.
"Kumapit ka d'yan, ah. Kapag nahulog ka d'yan, wala sa'yong sasalo." I chuckled.
"Hugot ba 'yan?" Natatawa kong ani at kumapit sa hawakan.
He had the serious look, though.
"Seryoso ako. Hindi kita kayang saluhin lagi." Napatahimik naman ako at kinagat ang labi ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...