Chapter 3

5.1K 121 16
                                    

"Class dismissed." Lumabas na si Mrs. Alcaraz ng classroom namin kaya napakawalan ko na ang hikab na kanina ko pa pinipigilan. Narinig ko na rin 'yong bell hudyat na lunch na.

Sa wakas, makakalaya rin sa katabi kong sinumpa. Cursed element... was it? It was something like that. Something curse that I really don't like to see. It always ticked me off! 

"Jazz, sasabay ka bang maglunch?" Tanong sa'kin ni Deanne habang inaayos ang mga gamit niya. Nilabas pa nito ang salamin at tinitigan muna ang sarili bago tuluyang tumayo. Habit niya 'yan. Hindi siya makakalabas na hindi tinititigan ang sarili niya – rules daw ng magaganda.

"Yea—" Hindi ko pa man tapos ang gusto kong sabihin ay may naramdaman na akong mabigat na pumatong sa balikat ko.

Braso ni Yttrium! At sino siya para akbayan ako?!

"Hindi siya sasabay. Sabay kami maglunch ng baby labs ko." Kumunot 'yong noo ni Deanne pero maya-maya ay bigla na lang siyang tumawa.

"Okay? Baby labs, ha? Nice." Umalis na rin agad si Deanne kasama si Chylla at Donna. Inis kong hinarap si Yttrium at mahigpit na hinawakan ang braso niya. Gusto kong pigain pero ang tigas!

Mas nadagdagan lang 'yong galit ko nang makitang mas maputi pa siya kaysa sa'kin. Medyo maugat din ang kamay niya. Halata dahil nga maputi siya.

"Anong katangahan ang sinasabi mo d'yan? At saka, tayo sabay maglunch? Ha! Mas gusto ko pa kasabay ang langaw maglunch kaysa sa'yo." I rolled my eyes out of frustration. Naiwan na tuloy ako ni Deanne! Iyong punyemas na 'yon, hindi man lang din nilinaw ang sitwasyon.

"Hoy! Grabe ka naman sa'kin, baby labs, nilalambing ka na nga. Tara na, lunch na tayo." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa wrist ko. Sapilitan niya akong hinila palabas ng classroom! Pinagtitinginan nga kami ng mga classmates ko dahil parang ewan kami na push at pull sa harap.

Hindi ko rin maiwasang mainis habang naglalakad kami sa corridor. Wala na ang pagkakahawak niya sa wrist ko perp naaasar pa rin ako. Bawat babae na nadadanan namin, nagha-hi sa kanya. As expected from a not so famous baseball player. Ace siya, sabagay. Isa pa, matalino rin si element kaya hindi nakakapagtaka na maraming may kilala sa kanya.

But it still ticked me off! He was so cocky, damn it. Kahit anong gawin niya, kumukulo ang dugo ko.

Pagdating namin sa cafeteria, naghanap lang kami ng pwedeng upuan. Tatayo na sana ako para um-order pero bigla rin siyang tumayo.

"Ako na ang o-order." Umayos ako ng upo at nagkibit-balikat.

"Okay," Pero hindi naman siya umalis. Kahit ni isang galaw ay wala siyang ginawa at tanging nakatingin lang sa'kin. I raised an eyebrow as a sigh escaped my lips. Such a pain. "Hoy, element, akala ko ba ikaw ang o-order? Um-order ka na, nagugutom na ako. Aba naman, masamang pinaghihintay ang mga dyosa." I flipped my hair.

Nilahad niya 'yong kamay niya sa'kin. "Where's your money? Wala akong balak bayaran 'yong lunch mo." Bagsak ang balikat ko kasabay nang pagbagsak ng buhok ko.

Natameme ako ro'n. Parang binara ako ng ilang sponge.

Come to think of it, hindi naman nga siya gano'n kagentleman para bayaran ang kakainin ko.

Napairap akong kinuha ang wallet ko at bumunot ng isang libo saka binigay sa kanya.

"Oh. Keep the change na kamo." Ngumiti siya sa'kin. Nawala na naman ang mga mata niya.

"Libre mo na lang 'yong lunch ko, ha? Thank you." Bago pa ako makapag-react ay umalis na siya sa harapan ko.

Napangiwi na lang ako at hinayaan. That was a way to go. Wala namang masama sa panlilibre. At medyo makapal din ang mukha niya sa part na 'yon.

Seducing Mr. Rank OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon