It was already 11:00pm and I was still awake. I couldn't sleep. I don't know why. Or I guess, I knew. It was because of nervous.
That damn nervousness was eating me from the inside.
Lumabas ako ng kwarto ko para kumuha muna ng gatas at cookies na makakain habang hindi ako makatulog. Baka magreview na lang din muna ako para pampalipas ng oras. Sayang din naman kasi kung tutunganga lang ako. Time is gold... right?
Pagbaba ko, nakita ko pa si mama na nasa living room kaya napahinto ako sa paglalakad.
I let out a deep breath.
"Good eve, ma." I said with a smile. "May contest po ako tomorrow." Mama just nodded. Akala ko, sasabihan niya man lang ako ng 'good luck' or any words na magsasabi na kaya ko 'yan pero wala.
I was waiting for nothing.
Umakyat din agad si mama sa taas. Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa kusina.
Ano pa bang inaasahan ko?
Sa una pa lang, may dapat ba akong asahan?
Napapikit ako nang madiin. Ang bigat lang sa dibdib. Iyong ibang tao, nagawa kang i-good luck tapos iyong sariling parents mo, wala man lang sinabi. Iyong iba nga, masali lang sa contest 'yong anak nila ay sobrang proud na. Samantalang ako, isang tango lang ang natanggap.
What was I expecting?
Pagkatapos kong kumuha ng cookies at gatas, umakyat na agad ako sa kwarto ko at nilock iyong pinto. Pumunta ako sa may kama ko at umupo.
Pagkatapos ng contest ko bukas, back to normal na naman. Papasok na ulit ako sa klase at makikita ko na naman ang mukha ni Yttrium. Ano pa bang bago? E, kahit saan naman yata ako magpunta ay nakikita ko iyong mukha niya.
May science pa nga pala. Muntik ko nang makalimutan iyong Science. Mukha pa namang nag-improve na si Yttrium sa Science... samantalang ako? Kahit kaunti, walang improvement sa Math. Unfair talaga.
Si Yttrium naman, magpa-practice na sa baseball. Tapos, ise-seduce ko pa siya. Ba't parang ang dami kong problema ngayon? Kaasar, ha.
Hindi ko nga rin alam kung itutuloy ko pa 'to, e. Alam ko, masyado akong magulo. Sabi ko no'ng nakaraan, mai-in love sa'kin si Yttrium pero parang ang hirap gawin no'n.
Enemy kasi kami. Duh!
At saka parang ang cliché din pakinggan, papa-in love-in ko siya sa'kin tapos bigla ko siyang ibe-break kung kailan hulog na hulog na siya sa'kin. Ang cliché, 'di ba?
But well, life itself was cliché.
Nasa tao pa rin naman kung paano niya gagawing unpredictable ang buhay niya.
At ang isa pang inaalala ko, paano naman kaya kung hindi siya sa'kin ma-in love bago matapos ang school year? E 'di palpak naman.
This plan wasn't clear. Ang dami pang magulo at kailangang paghandaan bago sumugal... iyong sugal na siguro akong ako ang mananalo.
Sa ngayon, isa lang naman ang sigurado ako. Matuloy man 'tong plano o hindi...
Hindi ako mai-in love kay Yttrium.
Kinabukasan, sakto lang naman sa oras ang gising ko. Ginawa ko lang ang normal morning routines ko at nagpahatid na agad kay Manong Albert sa Yntela.
Nanlalamig ang kamay ko at mabilis ang bawat tibok ng puso ko.
Bago ako bumaba ng kotse, nagsalamin muna ako para tingnan kung ayos lang ba iyong mukha at buhok ko.
After all...
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...