"Aihmiel?" Ito na naman siya. Pinikit ko nang madiin ang mata ko at palihim na huminga nang malalim bago tumingin sa kanya.
I needed to survive this.
"O-Oh?" Punyemas. Letse. Peste. Ba't ba ako nagkakaganito? Was this what you called awkwardness-at-its-finest disease? Damn! What a bother! Nakakainis talaga 'tong element na 'to. Tuwing mapapatingin ako sa kanya, para akong nawawala sa sarili ko. 'Yong feeling na lumilipad 'yong utak mo sa kung saan.
I wasn't like this! I was certain that Yttrium has something to do with this! Kapag nalaman ko 'yon, humanda talaga siyang element siya sa'kin. Hindi niya ako matatakasan. I'd find him even on the end of the world!
"Kanina ka pa d'yan tulala. Sabi ni ma'am, pwede raw munang magrecess." Tiningnan ko 'yong mga news na ine-edit namin at napahinga nang malalim.
But for now, kailangan ko muna siyang i-ignore. For starters, I still needed to have a good name. For the world, that was it. I'd pursue my dreams first.
Then, I would make a decision for myself alone. Iyong para sa'kin talaga at sasaya ako. Soon enough.
"Sige lang. Hindi ako magre-recess." Kinuha ko 'yong ballpen ko at nagsimula nang basahin 'yong news kung may grammatical mistakes ba, typographical errors, hindi naka-indent, walang tuldok and whatever.
First step was definitely hard, though.
I said it myself. This was just a first step. There was still more and more path to be walked. I couldn't ran away... I already started it.
Napabuntong hininga rin siya. "Hindi ka talaga magre-recess? Sige ka, wala ka niyang mai-edit nang maayos. Hindi ka niyan mananalo." Huminto ako sa pagbabasa at umiling. Ba't ba ang kulit ng isang 'to? Seeing him being persistent like this... it ticked me off.
"Ayoko nga. Kung gusto mo, ikaw na lang." Bumuka 'yong bibig niya pero inunahan ko na siya. "Kapag nagsalita ka pa, papasakan ko na 'yang bibig mo ng typewriting." Sumara rin agad iyong bibig niya at nagkibit-balikat na lang.
"Bahala ka." Tumayo na siya sa upuan niya at umalis na.
I let out a deep sigh. Buti naman at hindi na naging matigas ang ulo niya.
Sa Wednesday na 'yong contest namin. Dumukdok ako sa table at pumikit. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi naman ito ang una kong contest, well, ngayong year ito ang una. Hindi na rin naman ako bago sa copy reading, mula Grade 7 ay ito na talaga ang sinasalihan ko at masasabi kong bihasa na ako rito. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.
Marami kasing nag-e-expect sa'kin. Kapag maraming nag-e-expect, asahan mo na rin na maraming madi-disappoint. Magkadugtong ang dalawang 'yon. Ang hirap din minsan kapag masyado kang matalino at palasali sa contest.
Lagi kasi silang nakaasa na lagi kang panalo. Tapos kapag natalo ka, nakakahiya pa. Iyong parang disappointed na disappointed sila sa'yo. Hindi nila sinasabi 'yon pero ramdam ko.
Pero si mama... Lagi niyang sinasabi na hindi ako magaling. Hindi ako matalino. Kahit gaano kataas ang grade ko, kahit ilang contest ang maipanalo ko... gano'n pa rin. Walang nagbabago.
Bata pa lang ako, mulat na ako sa mga ganitong bagay. Kailangang number one ako lagi. Kailangang walang mas magaling sa'kin. Ako dapat ang laging nasa taas at tinitingala.
Kaya nga siguro galit ako kay Yttrium.
Ang dali niyang nakukuha lahat ng gusto ko. I envy him. For a longer time... until now.
Napadilat na ako at umayos ng upo.
Nagulat ako nang makita ko siya sa harap ko na nakaupo na at nakangiti. Napailing na lang ako. Walang mata.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...