"Kamusta na? Ang tagal na nating hindi nag-uusap, ha..." Rinig kong sabi niya sa likod ng puno. Napatigil naman ako sa paglalaro sa labi ko gamit ang daliri ko.
Oo nga. Ang tagal na rin mula no'ng last na nakausap ko siya. Namiss ko siya, Lalo na 'yong kalmado niyang pagkausap sa'kin.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula no'ng Local Science Quiz Bee... at nanalo ako. Halos dikit lang— dikit na dikit ang score namin ni Yttrium.
48 ako. 47 siya.
Minsan, naiisip ko, parang nagparaya lang siya. Naiinis ako kapag naiisip 'yon. Para bang naaawa lang siya sa'kin na pinagbigyan niya ako. Over 50 ang test no'n at tatlo lang ang mali niya. Gano'n ba kalaki ang expectation niya sa'kin? Na hindi ako magkakamali ng tatlo pababa?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
Though, tapos na naman 'yon at syempre, dapat sa positive side lang lagi ako tulad ng sabi niya. Proton... huh?
"Okay lang. Buhay pa naman. Ikaw ba?" Ngumiti ako. Gusto kong makita niya ang ngiti ko kapag wala na akong problema. Naisip ko lahat ng sinabi niya. Hindi pa rin ako handa na makita siya. Lalo na sa ganitong lagay.
Gusto ko... kapag nakita niya ako, wala na akong galit sa iba at malinis na ang puso ko. Makakangiti na ako ng malaki at totoo... 'yong walang iniisip na ngiti.
"Hmm... okay lang din." Kasabay nang pagtapos ng sinabi niya ang malakas na hangin kaya medyo nagulo ang buhok ko pero hindi na naman ako nag-abala na ayusin iyon.
"Kaklase ba kita?" I asked.
"What do you think?" Sinagot niya lang 'yong tanong ko ng tanong.
"Ewan ko. Hindi pa nga kita nakikita, e..." Narinig ko ang pagtawa niya. "Pero may tatanong ako sa'yo." Pinagsalikop ko ang mga daliri ko.
"Ano iyon? Aayain mo ako sa date? Hala, Jazz. Sorry, hindi na ako pwede." I shrugged my shoulder. He was overreacting.
"Ang layo, ha." He just burst out laughing. "Ano kasi... cute ba 'ko? 'Di ba nakita mo na ako?" Pahina nang pahina ang boses ko.
"Hmm... ano ba? Uh... mabait ka, tingin ko." Napasimangot ako.
"Hindi ko naman tinatanong kung mabait ako, e! Cute ba 'ko, ha? Iyon 'yong tanong ko!" Mas lumakas ang tawa nito kaysa kanina pero ang sarap pakinggan ng tawa niya.
"Ewan ko nga... basta, mabait ka." Napairap na lang ako. Ano bang mayro'n sa mabait ako? Do'n niya pa nililipat 'yong topic, e, pwede namang sabihin na hindi ako cute. "Ba't mo ba natanong?"
Sumeryoso ako nang magsalita siya.
"Ano kasi, e... sabi sa'kin dati ni Yttrium, ang cute ko raw. Tapos sabi rin ni Israel, cute daw ako..." Nakangusong sabi ko at inipit sa likod ng tainga ang mga takas kong buhok.
"Sinabi nila 'yon?" Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Oo..." Bakit ba parang hindi siya naniniwala?
"Alam ba nilang masamang magsinungaling?" How could he say that with a straight and calm voice? Napaismid ako.
"Trip mo yata ako ngayon, e. Kanina mo pa ako inaasar,"
Hindi niya ako madalas asarin at seryoso lagi ang pinag-uusapan namin pero kapag nagsimula siyang asarin ako, tuloy-tuloy na 'yon.
"Hindi, ah..." Pagde-deny niya.
"Ewan ko sa'yo." Imbis na suyuin niya ako, tinawanan lang ako. Mga lalaki talaga!
Pero naisip ko, hindi ba ako nito nagche-cheat kay Yttrium? I mean, nagiging close na kami. Dapat bang huminto muna ako sa pakikipag-usap do'n sa lalaki sa may likod ng puno?
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...