Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad siya. Letseng element 'to. Ako iyong nagse-seduce dito pero ba't feeling ko, ako iyong sine-seduce? Punyemas! May araw din siya sa'kin.
Saka iyong ginawa niya kanina... hindi naman 'yon gano'n kabig deal. I mean, normal lang 'yon kasi babae ako... at lalaki siya. Bilang kaklase niya, nakakaawa namang tingnan na may tagos ako at makikita 'yon ng ibang estudyante. Kahit na sinong nasa pwesto niya ay gagawin 'yon. Kaya hindi ko kailangang magtouch sa ginawa niya o... bumilis ang tibok ng puso.
Pero... bihira lang siyang maging gentleman at pinahiram niya pa sa'kin ang jacket niya.
Pagdating namin sa baseball field, umupo ako roon sa bleacher, sa may gilid. Pinagmasdan ko lang si Yttrium na pumunta sa mga teammates niya.
Napakagat na lang ako sa labi ko no'ng mapatingin sa'kin iyong mga teammates niya at halatang pinag-uusapan ako. Ba't sila nakatingin sa'kin? Wala naman akong dumi sa mukha.
Hindi naman nagtagal ang tingin nila at nagbihis sila ng jersey nila para sa baseball. Tapos may isang lalaki na naka-gear, siya siguro iyong catcher nila.
Paglabas ni Yttrium, napaiwas agad ako ng tingin nang tumingin siya sa'kin. What was he looking for? Or does he really need to look at me? It was embarrassing, of course! Damn it.
Balak ko pa siyang i-seduce sa lagay na 'to, e, ngayon pa lang... sa simpleng titig niya lang, naiilang na ako.
Nakahinga ako nang maluwag no'ng sinuot niya ang cap niya. Naibalik ko na ang tingin ko sa kanya, buti naman at hindi na siya nakatingin sa'kin.
Nasa may mound na siya at hawak-hawak iyong maliit na bola ng baseball. Pumorma siya at saka hinagis iyong bola. Nasalo naman ng catcher. Parang ang lakas noon dahil sa pagkakaatras ng catcher pagkasalo. Kung hindi dahil sa mitt, tiyak na durog ang kamay mo kapag nasalo mo ang gano'ng kabilis na bola.
"Nice pitch!" Sigaw no'ng catcher. Ngumisi lang si Yttrium at inayos iyong cap niya. I couldn't help but to shrug. Too cocky.
Hinagis no'ng catcher iyong bola kay Yttrium na nasalo naman niya. Lumapit sa kanila iyong isang lalaki na may dalang bat na nakapatong sa balikat nito habang bitbit-bitbit.
Bakit parang pamilyar?
May sinabi ito ro'n sa catcher at winasiwas na nito ang bat niya. So, isa 'yon sa batter nila. Matatamaan niya kaya ang mga pitches ni element?
I couldn't hide my smirk.
This would be my chance.
Kapag natamaan niya ang lahat ng pitch ni Yttrium, magkakaroon na ako ng dahilan para inisin siya. This practice wasn't bad at all.
"Dash, tatlong pitch! Kapag hindi na-strike out si Israel, hindi ka pa pwedeng umuwi!" Israel? Kumunot ang noo ko. Parang pamilyar nga.
Narinig ko na sa kung saan...
Israel...
Oh, right!
Si Israel! Iyong nakilala ko kanina, iyong bago kong crush... kaya pala pamilyar. Batter pala si Israel? At nagbe-baseball pala siya. This practice wasn't really bad at all. It was like hitting two birds with one stone... more or less.
Pero wait...
"Anong hindi ako pwedeng umuwi? Pinag-usapan na natin 'to, ah! Ang duga! Hindi pwede!" Inis na sigaw rin ni Yttrium.
Hindi pa siya pwedeng umuwi kapag hindi niya na-strike out si Israel? What the heck! Paano niya na ako tuturuan ng Math? Ise-seduce ko pa siya! On the second thought, hahayaan ko muna si Israel ngayon at kailangang magfocus kay Yttrium. Mas mahalaga 'to dahil nakasalalay ang magiging score ko bukas sa Math sa kanya at ang magiging ranking ko soon.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...