Chapter 6

3.3K 90 18
                                    

"Hi..." Umupo ako sa may damuhan at sumandal sa puno. Best place talaga 'tong garden tuwing recess. Plus na 'yong presence niya. Minsan ko lang din kasi siya maabutan dito pero ang nakakatuwa... saktong nandito siya lagi tuwing kailangan ko ng kausap at malalabasan ng problema.

Hindi ako palasimba at hindi rin ako banal pero sobrang thank you kay Lord dahil nakilala ko siya. Kahit bilang kaibigan. Well, wala pa naman akong balak na ayain siya sa mas deep na relasyon... at hindi ko rin naman alam ang nararamdaman niya sa'kin.

More or less, friendship pa lang ang sure ako na mayro'n sa pagitan namin.

I don't also want to get rejected. Masyadong out of question na 'yon.

"Hi," Rinig ko ring bati niya. Inabot ko sa kanya 'yong sandwich na dala ko pero nasa harap lang ang tingin ko.

"Gusto mo?" Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko.

Nakakailang na ewan... parang may kuryente bigla na dumaloy sa katawan ko dahilan para mahila ko agad ang kamay ko palayo sa kanya.

Damn it.

I really have a crush on him.

"Thanks..."

But the problem was...

"W-Welcome,"

How would I confess to him? Or was it much better to say, would I confess to him?

Hindi na siya nagsalita kaya minabuti kong 'wag na lang din magsalita. Tuwing gabi, iniisip ko kung sino ang nasa likod ng punong 'to. Gusto kong tingnan kung sino ang nasa likod nito pero natatakot ako, baka kasi kapag nalaman ko na kung sino siya, wala na akong masabihan... katulad ng sabi niya.

But if the time would come, then, I'd gladly accept him. With all my heart, of course.

Hindi nga lang gano'n kadali ang makita siya. Ilang beses ko ng tinry na sumilip at sa lahat ng trial na 'yon, may isang beses na muntikan na... pero wala. Nakamask siya. Nakita ko ang part ng gilid ng mukha niya... may mask.

Simula no'n, sumuko na ako sa pagtry.

Napabuntong hininga na lang ako.

Though, I still believe that one day would come and I'd get the chance to meet him. Face to face. And that time... magco-confess na ako sa kanya. For sure.

Tinanong ko siya rati kung nakita ko na ba siya o nakausap, ang sabi niya sa'kin, oo raw. May iba pa akong tinanong pero hindi niya naman sinagot nang maayos.

Tiyak na isa siyang estudyante rito sa school. Pero sa dami ng estudyante rito, mahirap sabihin kung sino siya at nasaan siya. Alam ko rin na gumagamit siya ng voice changer. May isa kasing pagkakataon na parang naiba ng slight 'yong boses niya... kahit na mahinahon pa rin 'yon, parang may naiba talaga.

At 'yong naibang 'yon... pamilyar. Parang narinig ko na sa kung saan pero hindi ko maalala kung kanino galing.

"Hmm... may itatanong sana ako." I shyly said while looking at my fingers.

"What is it?" It was his calm voice again.

This garden was my utopia.

Huminga muna ako nang malalim. Gusto ko kasing itanong sa kanya 'yong napag-usapan namin ni Deanne. Para na rin sa advice.

"Alam mo naman na gusto kong maging rank one, 'di ba?" Lahat ng mga hindi ko masabi kay Deanne... best friend ko kasi si Deanne kaya sa kanya ko lahat sinasabi 'yong mga nararamdaman ko pero minsan, mayro'n din naman akong hindi masabi sa kanya... 'yong gusto ko, private lang. Ako lang iyong nakakaalam.

Seducing Mr. Rank OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon