Pagdating ko sa library, wala pa rin si Yttrium kaya kumunot ang noo ko. Saang lupalop naman kaya nagpunta ang isang 'yon? Sabi niya ay kakain lang daw siya pero mukhang tumakas na.
Teka nga.
Ba't ba siya lagi ang nasa isip ko? Pinukpok ko nang mahina 'yong ulo ko at inalog nang bahagya.
Kabaliwan 'to. Kabaliwan. Hindi ko siya crush, okay? Hindi ko siya crush. Nasobrahan lang siguro ako sa pag-aaral at kailangan ko talagang magpahinga. Tama, kailangan kong mamahinga.
"Uy, baby labs, are you okay?"
"Ay, letseng Yttrium!" Tiningnan ko siya nang masama. Saan ba siya galing at bigla-biglang sumusulpot sa kung saan? Para siyang kabute, e. Ang sarap tsinelasin.
"Ikaw, ha... ba't mo sinigaw 'yong pangalan ko no'ng nagulat ka? Iniisip mo ako, 'no?" Tumaas-baba ang kilay nito kasama ng usual niyang ngisi na nang-aasar.
Damn it. Kung umakto siya lagi, parang nakikita niya ang nasa loob ko o mga iniisip ko. Ano bang mayro'n sa kanya?
"Ewan ko sa'yo." Kinuha ko na sa bag ko 'yong sample news, lapis at eraser. Nagsimula ko ng basahin 'yong newsat hindi ko na rin pinansin 'yong element na nasa harap ko.
Hindi na rin niya naman ako kinausap kaya mabuti. Mukhang focus na rin siya sa pagre-review. Though, sa tingin ko, kahit naman hindi siya magreview ay may 70% chance pa rin siyang manalo– baka nga mas malaki pa. Siya si Yttrium, e. Sinulyapan ko siya at nakitang nakatitig lang siya roon sa news habang nakapangalumbaba.
Ang seryoso ng mukha niya... pati mata.
Gwapo naman si Yttrium. Inaamin ko 'yon. May itsura talaga siya kaya nga maraming nagkacrush sa kanya. Isa pa, marami rin siyang talent. At talagang matalino... pero kasi, naiinis ako sa kanya. Tuwing nakikita ko siya, kumukulo 'yong dugo ko.
Masyado kasi siyang matalino.
At nakakainis 'yon.
Alam ko naman na dapat hindi ko ibunton ang galit sa kanya. Hindi niya naman kasalanan na second lang ako lagi.
Ang perspective ko lang naman... hangga't nandito siya sa tabi ko at hindi kami gumagraduate, walang mangyayari sa'king iba. May part sa'kin na tinatanggap kong talo talaga ako sa kanya at wala akong chance na matalo siya pero kahit papaano, may maliit pa rin na part na naniniwala ako sa sarili ko... 'yon lang ang pinanghahawakan ko.
Napabuntong-hininga ako. Gusto ko nang magtransfer sa ibang school, sa totoo lang. Kaso sabi ni mama, rito ko raw kailangan gumraduate... sa sarili naming school. I mean, sa tita ng dad ko pero dahil walang anak ang tita ng dad ko, balak nitong ipamana ang school kay dad.
Yntela's University.
Kilala rin ang surname namin pagdating sa larangan ng business. Mayro'n kaming Spanish Restaurant, Chinese Restaurant, Korean Restaurant at Japanese Restaurant. Mayro'n din naman kaming restaurant na makikita lahat ng nabanggit kong cuisine.
Kaya nga kailangan kong magsikap pa para naman maging proud sa'kin ang parents ko. Kahit naman kasi amin 'tong school, wala namang special treatment sa'kin. Hindi ako katulad no'ng mga ibang nababasa sa movie at books. Siguro kasi reality 'to.
"You okay?" Nabitawan ko ang pencil ko nang magsalita siya at umawang din ang labi ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tumango saka tipid na ngumiti. "Sure?" I just nodded again. "If you're hungry, just tell me, alright?" For a minute, parang nag-iba bigla ang tingin ko sa kanya.
Ang bait niya... at ang gentle ng boses niya.
"A-Are you worried about me?" Nahihiya kong tanong at ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko. Ngumiti siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...