Last day to review. Sobrang haggard ko na, naisipan ko rin na 'wag munang ituloy 'yong Operation: Seducing Yttrium. Syempre, kailangan ko munang magfocus dito... kailangang manalo ako rito para naman kahit papaano ay may maipagmalaki ako sa parents ko. Ito 'yong unang step ko para sa victory.
Iyong plano... susunod na lang 'yon kapag maayos na ang lahat.
Though, kahit naman ano yatang gawin ko, hindi na sila magiging proud sa'kin hangga't hindi ko nasusungkit 'yong first place. Last year, nagsecond lang ako rito sa category ko at tulad ng inaasahan... ni isang congrats, wala akong narinig kay mama.
Napapikit ako at napailing. Hindi ko muna 'to dapat isipin dahil kailangan kong magreview nang mabuti. That would come later. I needed to do this first.
"Seryoso kayo masyado, ah..." Nakangiting ani sa'min ni Ma'am Celine, siya iyong teacher namin sa Filipino. Coach din namin siya sa journalism para sa mga Filipino Category.
"'Di naman po." Ngumiti rin si Yttrium kay ma'am. Ngumiti lang din ako.
Umupo si ma'am doon sa tabi ni Yttrium at tiningnan 'yong mga ine-edit namin.
"Galingan niyo bukas, ha?" Masiglang sabi nito.
Galingan... iyon naman talaga ang laging sinasabi nila. Medyo nakakatrauma rin ang mga gan'yang words minsan lalo na kapag wala kang confident sa sarili mo.
Paano kung matalo ako? Mga gan'yang mindset ang papasok sa isip mo.
"Oo naman, ma'am!" Nakangising sabi ni Ate Thea.
Pero sa case nila, mukhang namang confident sila na manalo.
"Basta ma'am, kapag nanalo kami, 'yong libre, ha. Pwede na po kami sa Burger King." Nakapangalumbaba na sabi ni Kuya Jerome. Mga loko-loko talaga. Napailing at natawa na lang si ma'am.
"Basta tandaan niyo lang, pangalan ng school ang dinadala niyo, hindi lang ang pangalan niyo kaya kailangan gawin niyo ang best nyo." She widened her smile and tapped our heads one by one.
I couldn't help but to secretly sigh.
Yeah... pangalan ng school. Apelido ng angkan namin. Yntela.
No'ng bata ako, lagi kong iniisip na sana iba na lang iyong parents ko, hindi na lang sila 'yong naging magulang ko o sana hindi na lang ako pinanganak.
Nakakadepress kasi. Minsan, hindi mo na alam kung saan ka lulugar... minsan, para ka na lang ewan na sunod nang sunod sa utos nila.
Wala akong freedom. Hindi ko kayang magdesisyon para sa sarili ko. Iyon ang hindi ko na-exercise no'ng bata ako kaya pagdating sa gano'ng bagay... inaasa ko lagi sa ibang tao.
Ganito kasi ako dapat. Isa akong Yntela, kailangang naging nasa taas ako.
Hindi nila maintindihan na mahirap 'yon.
Kadalasan, naiingit ako sa mga kaklase ko. Paano nila nagagawang easy-han lang 'yong buhay nila? Bakit sila nakakapag-online ng magdamag kahit bukas na 'yong test? Bakit okay lang sa kanila kahit hindi gano'n kataas 'yong grade nila?
Syempre, higit sa lahat, bakit sila masaya?
Unfair lahat.
Iyong tanong no'ng lalaki sa'kin no'ng nakaraan... siguro, oo, pagod na ako. Pagod na ako sa lahat ng nararamdaman ko pati sa mga naririnig ko. Iyong ibang bata d'yan kapag pasko, ang hinihiling mga magagandang laruan o kaya naman magagandang damit o sapatos.
Samantalang ako, normal at masayang pamilya lang sapat na. Hindi ko kasi naranasan iyon.
Nakakapagod din na araw-araw, lalabas ka ng bahay niyo na nakangiti para lang malaman ng iba na ayos ka. Nakakapagod kapag lagi kang mag-isa.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...