Chapter 11

2.8K 94 20
                                    

"Hoy, mga Mango! Sabi ni Ma'am Krea, bukas na raw ang Local Science Quiz Bee! Mag-aral daw kayo!" Sigaw ko sa harapan. Saglit silang tumingin sa akin at bumalik din sa kanya-kanyang mundo. Napailing ako. Ano pa bang bago? Mango 'yan, e.

Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo. Vacant kami ngayon. Walang teacher kaya ang ingay rito sa loob ng classroom namin, parang hindi nga star section.

Dumukdok ako sa table ko. Pwede naman sigurong matulog tutal wala naman kaming teacher o kaya naman isipin ko na lang kung paanong move o step ang gagawin ko mamaya kay Yttrium.

Nalampasan ko na naman iyong first step which is papayagin siya na turuan ako ng Math, though, hindi ko naman talaga kailangan. Pwede naman akong mag-aral o matuto via internet pero okay na rin 'to. At least pwede ko siyang ma-interview.

Gusto kong malaman kung anong type niya at gusto niya sa babae.

No'ng nakaraan, ang sabi niya gusto niya raw ng katulad ko na nagdarasal at mahal si God... alam ko nga, Christian si Yttrium kaya hindi na nakakapagtaka. Hindi lang ako naniniwala rati dahil ang sama ng ugali niya pagdating sa'kin. Pero hindi ko pa siya narinig na magmura. More on pang-aasar na words talaga.

Naramdaman ko na tumahimik na sila, siguro nand'yan na iyong next teacher namin. Nag-angat ako ng tingin at umayos na ng upo. Kunot-noo kaming tiningnan ni Jeriell na nasa harap ngayon.

"Oh? Ba't tumahimik kayo?" Sabi niya at tumawa.

"Gago!" Sigaw ni Jake tapos tumawa.

"Tang'nang 'yan! Wala pa pala si ma'am, e. Akala ko pa naman nand'yan na." Inis na sabi ni Deanne at umismid. Hindi ko maiwasan ang matawa sa reaction niya, nasa harapan kasi siya kanina at nakikipag-kwentuhan about sa Wattpad, I guess. But I know, she's a Wattpader, sinabi niya lang sa'kin dati. She's also a writer. Pero hindi ko naman nababasa iyong mga gawa niya, bukod sa wala naman akong application na gano'n, wala na rin akong oras para magbasa ng mga stories doon. Masyado na akong busy sa pag-aaral at sa paggawa ng paraan kung paano magiging proud sa'kin ang parents ko.

About naman sa parents ko, hindi pa nila alam na nanalo ang anak nila sa isang contest. Hindi pa man lang nila ako na-congrats. Wala naman kasi akong sinabi. I mean, paano ko masasabi? E, tuwing ita-try ko magsalita, umaalis agad si mama dahil may gagawin daw. Gano'n din si papa. Coincidence man o sadya... isa lang ang sigurado. Hindi pa rin sila proud.

"Saan tayo mamaya?" Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita ang katabi ko. Tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya sa notes namin sa Science. So, nag-uumpisa na siyang mag-aral, ha? As expected of him. Tiyak na tatagal lang ng tatlong minuto bago niya makabisado ang buong isang page ng libro. Minsan nga, dalawang beses niya lang binasa pero kabisado niya na 'yong mga important details.

Monster at its finest.

"Mamaya mo na ba ako tuturuan?" Natatawa siyang tumingin sa'kin.

"Syempre. Alangan namang bukas, e, first subject natin iyong Math." Napaismid ako. Kailangan talaga niyang mang-aasar pa rin? Tama naman siya pero ang dating kasi sa'kin, para bang sinasabi niya na wala akong common sense, e, siya 'yon! Curse him.

"Wala ka bang gagawin mamaya? Baka may practice ka?" Ikinalma ko ang boses ko. Hindi ako nag-aalala sa kanya. I just needed to make it sounded like I was worried.

"Nasabi ko na sa'yo na tuturuan kita. Okay lang iyon. So, saan tayo mamaya?" I felt guilty. Dapat siguro magpa-practice pa siya. He let out a sigh. "I told you it's okay. Saan tayo?" Napansin niya siguro na nagi-guilty na ako rito.

I couldn't be helped. Ayokong maging hindrance sa pagpa-practice niya. Gusto kong maging rank one pero ayoko namang magulo ng sobra ang buhay niya. Against na 'yon.

Seducing Mr. Rank OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon