"Congrats, Jazz!" Nakangiting salubong sa'kin ni Deanne pagpasok na pagpasok ko sa classroom namin. Himala at ang aga niya ngayon.
Saglit pang lumibot ang mata ko sa paligid bago tuluyang tumingin ulit sa kanya.
"Thanks. Ba't ang aga mo?" I asked, straight to the point.
"May assignment kasi sa Math, e, hindi ko alam 'yong gagawin. So, para may katulong akong gumawa, inagahan ko ng pasok." Nakangiti niya pa ring sabi at nakuha pang kumindat na para bang proud siya sa sinabi niya. Napangisi ako at tipid na tumango – 'yong tangong halatang hindi satisfied.
"Mangongopya ka lang, e." Pang-aasar ko sa kanya. Tumawa naman siya at umiling-iling kasabay nang pagwagayway ng dalawang kamay niya.
"Hindi ako nangongopya, 'no, nagbabagong buhay na 'to, dude!" Tinuro niya iyong sarili niya.
"E 'di wow." Nilapag ko sa upuan ko ang bag ko. Lagi akong napapagalitan dito dahil iyong bag ko raw ang pinauupo ko imbis na ako, sa likod kasi ng upuan namin ay mayro'n namang lagayan na para talaga sa bag pero ayokong mahiwalay sa bag ko kaya wala na silang pakialam do'n.
After all, I've got weird taste.
Umupo ako sa upuan ko. May space pa naman, e. Malaki kaya ang upuan at payat lang din naman ako kaya sakto lang. Palibhasa, medyo may edad na ang ilan sa mga teacher namin kaya medyo nagkakaro'n na rin sila ng extra fats dahilan ng pagtaba, kawalan 'yon ng exercise.
"Paturo nga, Jazz." Umupo rin si Deanne sa upuan niya, which is sa tabi ko sa kanan. Si Yttrium kasi ay sa kaliwa.
Speaking of that element, hindi ko pa siya nakikita rito sa classroom. Late ba siya? Usually, lagi siyang maaga sa'kin. Tuwing darating ako rito sa umaga, nakahanda na agad ang pang-asar niya sa'kin at syempre, maiinis naman talaga ako. Nasisira tuloy ang araw ko kahit umaga pa lang.
Pero ngayon... naninibago ako.
Hindi sira ang araw ko. kaso... parang ang lungkot.
Parang may kulang at hinahanap ako. I wanted him to annoy me...
"Baka punitin ko pa 'yan," Inis kong sabi at hindi na sinubukang tingnan ang papel. Alagad ni element ang Math, baka roon tuluyang masira ang araw ko. Tinawanan niya lang ako at tumayo na ulit, pumunta siya sa harap at nakibalita kung may progress na ba iyong assignment ng iba – rinig na rinig ko ang boses niya dahil ang lakas. Nagsilapitan din naman ang iba pa roon sa harap kaya inalis ko na ang tingin ko.
It would be an eyesore if I kept on looking at that. Kapag mas crowded ang place... pumapangit din sa mata.
"Morning..." Nagpantig agad ang tainga ko nang marinig ang boses na 'yon.
It was his typical sleepy and husky voice. Ganito ang madalas niyang boses tuwing umaga. Ewan ko ba kung nagpupuyat siya – not that I wanted to know.
Nandyan na siya. Si Yttrium.
Hinihintay ko ba siya? Probably.
Pumihit ang mata ko sa gawi niya at nginitian siya nang malaki.
"Good morning..." Mula ngayon, magpapakabait na ako kay Yttrium... kasi mabait na naman siya sa'kin, hindi na naman siguro ako mahihirapang pa-in love-in siya.
Yes, seryoso na ako rito.
Pagkalapag niya ng bag niya sa likod ng upuan niya, lumapit agad siya sa'kin at hinipo ang noo at leeg ko. My forehead creased. What was he doing?
"Hindi ka naman mainit. Wala kang sakit. Hindi ka rin inuubo o sinisipon. Wait..." Tumitig siya sa'kin ng ilang segundo. Samantalang ako, kunot-noo lang na nakatingin sa kanya at hindi mahulaan kung anong iniisip niya. "Mamamatay ka na ba?" How could he say that with a straight face?
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Rank One
Teen FictionVillafuerte #1 Paano ba ma-in love ang mga matatalino? Sabi nila, engot daw ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay. Si Aihmiel, ang babaeng gagawin ang lahat para mapatunayan lang sa parents niya na kaya niyang higitan ang lahat. Magtatagumpay...