Seven

181 16 0
                                    

      🌟  Mermaid Princess meets Vampire Prince🌟

  Nagsimulang maglinis si nanay, inalis ang mga alikabok, kaya tinulongan ko itong maglinis.

     Ilang oras na kaming naglilinis ni nanay at halos matapos na kami sa paglilinis  ng boung palasyo, kaya umupo muna ako saglit sa malambot na upoan, napapansin kong madali akong mapagod ngayon di gaya ng serena pa ako kahit maghapon akong maglilikot di ako napapagod at gaya din kapag lumalangoy ako halos di muna ako makikita sa pagdaan ko sa harapan mo dahil sa bilis ko, ngunit kabaliktaran naman ito kapag ako ay tumatakbo minsan pa ay madadapa pa ako.

Sa lalim ng iniisip ko di ko na napansin na nakaupo na sa harapan ko si nanay.

"Gabi na pala, ngunit di natin na pansin dahil masyado tayong abala sa paglilinis"sabi nito na namamawis na

"Sa totoo nga ho kanina pa ring nagrereklamo ang tyan ko"sabi ko ng totoo na parang nahihiya pa

"Hahaha ganon ba anak sandali lang maghahanda lang ako ng makakain natin, dito kalang"saad nito na tawang tawa na umalis

"Cge po" masiglang sabi ko dahil yata sa pagod himiga ako sa malambot na upoan, ipinikit ko ang aking mga mata.

Naalimpungatan ako dahil sa yog yog ng balikat ko dahan dahan kong iminulat ang aking mata, nakita ko si nanay na nakangite kaya agad akong napaupo.

"Pagpasyensyahan nyo na po ako, akala ko idlip lang di ko alam na nakatulog na pala ako"

"Ayos lang iyan anak dahil lang yan sa pagod, halika kumain na tayo" sabi nito

Habang kumakain ay napagusapan namin tungkol sa sakanyang amo.

"Bukas ang dating ng aking amo, kaya agad akong naglinis, pagpasyensyahan mo na ako Elaiza na pagod ka pa tuloy" pagpaumanhin nito

"Nay naman, ayos lang ho iyon sa akin dahil kong wala kayo wala ako dito sa harap niyo"

"Talagang ikaw bata ka "sabi nitong nakangite

"Sa amu niyo ho ba itong palasyo nay? Para naman siyang hari dahil may palasyo siyang ganito ka ganda at kalaki"

"Hahaha hinde ito palasyo anak isa ito sa kanilang mansion, pero sa tingin ko bahay lang ang tingin dito ng amu ko dahil mas malalaki ang mansion nila sa ibat ibang bansa"

"Akala ko palasyo dahil ang laki nito pero ang ipinagtataka ko inay, bakit wala naman lang kahit isang tao dito ng pagdating natin?"

"Dahil ayaw ng amu ko na may ibang tao dito"maikli nitong sagot

"Ilang taon ho ba kayo nagsimulang manilbihan sa amu niyo"tanong kong muli

"Dalawang pung taon na ang nakakaraan ng una akong pumunta sa Romania para magtrabaho, sa kasamang palad pinagbintangan akong nagnakaw sa isa sa mga mamahaling alahas nila, ipapakulong na ako noon ng tinulongan ako ng aking amu ngayon at sa pangalawang pagkakataon muli niya akong tinulongan mula sa masasamang loob, sa mga panahong iyon dalaga pa ako, umuwi ako dito sa bansa at napagpasyahan na dito na lang mag hanap ng trabaho, at nalaman kong nandito ang amu ko sa bansa kaya pinaglingkuran  ko siya ng boung katapatan upang makabawi ng utang na loob sa kanya ngunit limang taon pa lamang akong nagsisilbi ng malaman ko ang secreto nito kasabay naman noon ang pag alis niya pabalik sa Romania."

Nakatulala ako habang nakikinig sa kwento ni nanay tungkol sa kanyang buhay at batay dito napakabait ng amo ni nanay.

"Anung secreto ang nalaman mo, inay?"

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon