Three

260 20 1
                                    

                   🌟THE MISSION🌟

(Pearl Pov)

  " Yup hinding hindi na" sabi ni flip habang umiiling
   
"Yehey Tara na laro na tayo" Yaya ko dito sabay hawak sa kanyang palapulsoan at hinila ito.

Ang serenong ito pala ang matalik kung kaibigan at ang the best kung kalaro kuya slash kaibigan ko na ito simula pagkabata, nawala sya ng isang buwan dahil sa isang mission na kailangan nyang asikasuhin kaya ngayon laro na agad hehehe

"Pearl"  tawag sa akin ng aking ama ng Di pa kami nakakalayo.
   
"Anu ho iyon ama?" tanong ko dito

   "Flip is tired let him sleep for awhile" sagot sa akin ng ama ko
    

"Pero am-"

    "No but's princess,come and follow me" kasabay ang paglangoy nito palayo
    
"Hay....kj naman ng ama ko....Pero naman ang sinabe ko hinde but..." pagmamaktol ko
     
"I heard it princess." pahabol nito
Wala akong magawa kundi ang magpaalam kay flip.

 " Pasensya kana flip  kj Kasi ama ko, siguro nga pagod kana  matulog kana lang muna" kasabay ang paglangoy kasunod ng ama ko...

    Oops!!I almost forgot to introduce myself, well I'm Pearlialyn Aqua Meriad(silent L po ang Pearlialyn, so Pearyalyn ang kabasa nyan at silent A po ang Meriad).The mermaid princess of South Meriad, the powerful mermaid of the seven seas , i was known as a naughty,childish,and a good for nothing princess,but i don't care what there mouth saying about me , i'll just do what my heart says and what's makes me happy. That's my father's word.
   

Nang makarating ako sa kwartong gustong puntahan ng ama ay inilibot ko ang aking paningin, nakilala ko Naman agad ang silid na iyon .
   
"Bakit ho tayo nandito sa sacred room??" habang pinagmamasdan ang maliit na ruby crystal na maingat at maayos ang pagkakalagay.
  Ang pwedeng pumasok lang dito ay kaming dalawa lang ni ama dahil kami  nala mang ang natitirang sacred.
       Ginawa ito noong panahon ng ama at ina ko lahat ng mga sacred ay nagtulong tulong upang maprotektahan ang ruby. Pinagsamasama nila ang kanilang mga kapangyarihan upang gumawa ng malakas na barrier sa paligid ng sacred room.
  
"Dahil kailangan" sabi nito

"Ho??" Tanong kong muli, ngunit imbes na sagutin  ang tanong ko, lumapit sya sa rebulto ng ina ko na nakabalute...
      "Patunayan mo na ikaw ang anak ni lea at ni Patrick, patunayan mo na ikaw ang pinakamalakas na prinsesa  sa boung karagatan, patunayan mo na ikaw ang karapat dapat na  maupo sa trono bilang reyna at hari ng ating palasyo" sabi nito habang nakatingin parin sa rebulto ni ina.
   
"Hindi na ho kailangan Nandyan naman ho kayo, humanap kayo ng mapapangasawa ko at uupo sa trono" walang ka gatol gatol na sabi ko. Nagulat ako ng marahas itong lumingon kaya napaatras ako ng kaunti.

"Paano mo nasasabi iyan ng ganon kadali, ha!? Pearialyn baka nakakalimutan mong ikaw ang prinsesa sa palasyong ito " sermon nito sa akin kaya napayuko nala mang ako.
       "Simula ngayon wala ng laro at paiigtingin ko ang iyong pageensayo, silid mo at ensayohan nalang ang pupuntahan mo, wala ng tagasunod ang susunod sa iyo palagi kang magiisa ngayon, palilibotan ang silid mo ng mga kawal dahil alam ko ang susunod mong gagawin" mahabang saad nito sa sinabe nyang yon napaangat ang ulo ko  at tumingin sakanya.

     "Anu ang tunay na dahilan kong bakit halos lahat ng kaligayahan ko ay pinagbabawalan mo na" mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya
"kayo ang nagsabi na sundin ko la---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito
   
"Panahon na para bigyan kita ng isang mission " nakatingin sya sa akin ng sabihin nya sa akin iyon.
    
"Mission??pati ba na man ako may mission, hinde ba pwedeng sa iba mo nalang ibigay" suhestiyon ko
   
  "Bakit ba kay daling sabihin ang mga katagang iyan, sa ayaw at sa gusto mo gagawin mo ang mission na ito. Pagkatapos ng ensayo mo bukas bumalik ka dito sasabihin ko sayo kung anu ang mission mo, wag kang magkakamaling tumakas, sa ngayon bumalik kana muna sa silid mo" kasabay non ang pag alis at naiwan akong nakatunganga na ayaw tangapin ng utak ko ang mga sinabe ng ama ko,lutang akong bumalik sa sariling silid,maraming bumabati ngunit di ko pinapansin...
    Natulog akong may luha sa aking mga mata.

(KINABUKASAN)
     
Tapos na ang ensayo ko at papasok na ako sa sacred room, ngunit di ko pa nabubuksan ang pintoan, may narinig akong boses na pamiliar batay sa tono nito ay may hinanakit at pag alala.
   

"Patawarin mo ako anak, kailangan ko itong gawin" nasisiguro ko na sa ama ko ang may ari ng boses dahil kaming dalawa lang naman ang nakakapasok sa silid na ito, binuksan ko ang pinto kaya sapat na ito para maramdaman ang presensya ko.
 
  "Princess?" kasabay ang pagharap nito sa akin Nakita ko ang mugto nitong mga mata.
   
"I thought your not com---" hinde ko pinatapos ang sasabihin nito dahil sinunggaban ko ito ng yakap ramdam ko ang pagkagulat nito...
     
"Patawarin nyo ho ako ama sa mga nasabi ko, tatangapin ko ang mission, kahit gaano pa iyan kahirap" may kasiguraduhang saad ko.
     
"Bago mo iyan sabihin alamin mo muna ang iyong mission"
      

"Kahit naman po alam ko hindi nyo ako papayagan na umatras sa mission na ito, hinde po ba" sabi ko habang hinaharap sya.
     
"Hahaha,yan din ang dahilan kong bakit ayaw kong maniwala na magaling ka sa wala"

      "Ama naman" paamaktol ko habang nakanguso

       "Bago tayo magsimula sa pagtatalakay ng mission mo, tanggapin mo ang kwentas na ito " sabi nito habang inilahad ang isang kwentas na pilak na may maliit na kabebe at ang kanyang pendant ay isang maliit na dyamante na ukit serena....       
      "Ama hinde po ba, isa ito sa sacred things"
  Tango lamang ang isinagot nito at nagsimula nang magtalakay ng aking mission....

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon