Sixteen

120 11 1
                                    

🌟PEARLIALYN🌟

(Richard's Pov)

Habang nagmamaneho pabalik sa mansion dahil may inutos sakin ni Zycho na kunin hindi ko maiwasang magisip kong bakit biglang nagpatawag ang mga 'Elders' sa biglaang pagpupulong na tungkol daw sa 'Ruby Crystal' ,ang pagbabalik ng kapatid ni Zycho at mga kalabang bigla nalang lumitaw mula noong isanglibong  taon na ang nakakalipas.

'ano naman ang paki namin sa kapatid ni Zycho eh ninanamnaman din namin yan, tska, ruby crystal? ano bang pinagsasabi nila?...haistt mga matatanda na ngang talaga, maliban lang sa uncle ni Zcycho, dahil hindi naman tumatanda dahil bampira sya pwera nalang kong yung utak na ang kinakalawang' natawa ako sa sariling naisip, hindi kasi namin bet ang uncle ni Zycho, pwera nalang kay Zycho dahil close na close sila, ayaw namin ni Johann sakanya para kasing ang dami niyang plinaplano na hindi namin alam. Pero sabi nga ni Zycho ay mapagkakatiwalaan ang uncle niya nang minsan sinabi namin ni Johann ang aming pakiramdam sa kanyang Uncle, alam kong medyo nasaktan sya sa sinabi namin.

'wala kaming magagawa, sinasabi lang namin kong anong nasa isip namin ni Johann' iling iling na sabi ko sa isip.

Nangmakarating ako sa mansion hindi pa ako nakakalabas ng kotse nang nagtataka akong tumingin sa mga punong nakapalogid sa mansion.

'Bakit ang tahimik?'

Hindi naman sa maingay ito, ngunit parang may kakaiba eh, nang buksan ko ang pinto ay nagmamadali akong pumunta sa malaking tarangkahan hindi na ako nagabala pang maghintay na magbukas ito, tumalon ako mula sa tarangkahan papunta sa loob may kalayuan pa ito sa mansion, natigil ako nang may malakas na sumigaw na napakatinis ng boses.

"NAAAAYYYY!!"

'Si Elaiza ba iyon, bakit parang iba ang boses, bakit sumigaw siya ng ganon?'

Mabilis akong tumakbo na parang si Flash kaya habang papalapit sa mansion kitang kita ko ang mga basag na salaming bintana, kaya kinabahan ako.

'shit naman oh, wag naman sana' tahimik na dasal ko, binuksan ko ang pinto ng mansion ng makarating ako sa tapat nito.

Nanlalaki ang mga mata ko na napahinto nang makita ko ang na sa loob ng mansion, imbes na tulongan ay napatigagal ako na parang natuod sa kinatatayuan. Nasa harap ko ang malaking 'Dragon Water' na pulang pula ang mata na kaharap ang apat na bampira na halata sa mga mukha ang takot. Sinundan ko kung saan nangaling ang water dragon na ito nang makita ko ang isang napakagandang serena na masamang masama ang tingin sa tatlong bampira, imenuwestra niya ang kamay na parang inuutusan ang 'Dragon Water' na tapusin ang dapat tapusin kaya ibinalik ko ang tingin sa malaking 'Dragon Water'. Nanginig ako ng makita kong paano tapusin nito ang buhay ng mga bampira, kitang kita ko kung paano unti unting ang kaluluwa ng mga ito ay kinukuha sakanila, tatakbo pa sana ang isa pero hindi na nito nagawa, Nang nagtagumpay ito sa pagkuha ng kaluluwa ay akala ko ay tapos na ngunit hindi pa pala sabay sabay na kinain ang mga katawan nito ng 'Dragon Water' tinitigan ko lang ito hangang sa bigla itong nawala.

'Ano bang nangyayari? Asan si Elaiza? Sino ang serenang ito?'

Hindi pa nagproproseso ang mga nangyari sa utak ko nang may narinig akong kumakanta. Napakatinis at napakaganda ang boses nito na parang anghel pero ramdam na ramdam mo ang lungkot at pagdadalamhati nito sa boses kahit wala itong liriko ay parang tumatagos ito sa puso mo, tiningnan ko ang serena na syang kumakanta habang nakatulalang lumuluha at isinusuklay ang kanyang kamay sa buhok ni Aling Martha na tiyak ko ay wala nang buhay.

Ilang minuto itong kumanta bago tumigil, pero agad na humagulgul ng iyak na syang sumakop sa boung mansion.

Maraming tanong ang lumukob sa utak pero ni isa sa mga yun ay hindi ko mailabas, dahan dahan akong lumapit sakanya pero tumigil ako nang may nakita akong kwintas sa sahig na alam kong nakita ko kay Elaiza na sout sout nito, pinulot ko ito at tinitigan.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon