Seventeen

125 11 3
                                    

🌟RUBY CRYSTAL🌟

(ELAIZA'S/PEARLIALYN POV)

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at sinalungat ang nakakasilaw na init ng araw na tumatama sa mukha ko kaya ako nagising.

Tulala akong nakatingin sa kesami  ng Mansion walang kamalay malay na umagos ang mga luha ko sa'king mga mata.

'Nanay'

Wala sa sarili akong tumayo mula sa pagkakahiga, pagkaapak ko ng sahig agad akong natapilok kaya kinalabasan second kiss ko yung sahig pati ilong ko nakipaghalikan din kaya dumugo.

'Second kiss? .... kasi yung first kiss ko si ....BOOOOMMM!!'

Pakiramdam ko ay naibalik ako sa pangyayari kong saan ang tagpong pumasok si Masungit hanggang sa nagpaulit ulit sa isip at pati sa pandinig ko ang sinabi niya.

"shhh..stop  apologizing, its not your fault honey... please stop crying its breaking me" habang hinahalik halikan ang buhok ko.

'Oh my scary sea horse and shity sharks' ramdaman ko kung paano umakyat ang lahat ng lamang dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko at mga serenang nakikipaghabulan sa mga pating na kung paano ito umiikot sa pasikot sikot ng bituka ko, pati yung puso ko ginawang karerahan ng mga dugong at barakuda sa ingay nito.

Malinaw kong naaalala kung paano magreak ang aking katawan, sa mga yakap niya na nagpapakalma sakin, nagbibigay ng kapayapaan at kaligtasan sa bawat sistema ko. Bakit ang laki ng epekto sakin ang lahat ng ginawa niya.

'Baki____'

"Elaiza!?"

Bigla akong napatingin sa pintong malakas na bumukas sa likod ko. Pumasok ang tatlo sa kwarto ko na halata sa mukha nila ang pagaalala.

"Elaiza?!" tawag pa nila sakin, nakadapa pa kasi ako, nakita ko yung paa nung dalawa sa ilalim ng kama na nagumpisang maghanap.
Do'on ko lang napagtanto na hindi pamilyar sakin ang lugar kaya wala sa sarili akong umupo na patuloy parin ang pagdugo ng ilong ko.

"Nasaan ako?" sabay sabay silang lumingon sakin, pero inilibot ko lang ang aking paningin sa boung kwarto.

Mas malaki ito at mas maaliwalas, may malalaking bintana na nagbibigay na sapat na ilaw ng araw, malaki narin ang kama at napakalambot nito.

Lumapit sakin si Masungit at umupo sa harap ko para magkapantay kami, kitang kita ko sa mata niya kung paano niya titigan ang bawat sulok ng mukha ko, hanggang sa nagkatitigan kami.

*Dug dug dug *

Ramdam na ramdam ko kung paano bumilis ang tibok ng puso ko, kung paanong ramdam ko ang mga lumalangoy sa tyan ko at mga matang hindi ko kayang iwan at tumingin sa ibang deriksyon.

"What happened to your nose?" naramdaman kong pinunasan niya ang ilong ko na dumudugo at hinawakan ang ilalim ng bibig ko para iaangat ang ulo, sa ginawa  niyang yun don lang ako napakurapkurap  na parang may humila sakin mula sa panaginip, uminit ang pisnge ko at alam kong namumula na ito ngayon kagaya ng alimangong luto na,  nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagalis ni Johann at Chad  ng kwarto.

"N-Nakipagha-likan ka---" hindi ko natapos yung sana sasabihin ko ng galit itong umungol at masamang tumitig sakin kahit hindi ko nakikita nararamdaman ko ito.

Muli kong ibinalik ang mga tingin sakanyang masamang tingin.

'Anong nangyari dito,?'

"Who kissed you?"  nakita ko ang pangigil ng panga nito sa galit. "Tell me his name so i can kill him" sabi pa nito na tumayo at tinignan ang isang pintoan na sa tingin ko ay banyo nang walang makita naglakad sya papunta sa salaming pintoan binuksan  niya ito at naglakad palabas pero agad naman syang bumalik nang masigurong walang ibang tao sa paligid, naglakad syang muli papunta sa isang pangpinto papasok, hindi nagtagal ay lumabas ito ng kwarto na hindi ko alam kong ano ang laman, tumayo ito sa harap ng kama habang nakapemywang, nakita ko pa itong parang may inaamoy sa hangin, nang walang makita bumalik sya sa harap ko at muling umupo, napakunot ako ng noo sa inasal niya.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon