Twenty-three

110 6 0
                                    

🌟Hugs🌟

(RICHARD'S POV)

Nang makita naming nakalabas na si Elaiza, nagkalingonan kami ni Johann at sabay na tumakbo papunta sa taas kung nasaan si Zycho.

Kailangan naming sabihin sa kanya ang mga nalaman hindi tungkol kay Elaiza, kundi tungkol sa kapatid niya mismo.

Nasa taas na kami ng hagdan ng makasalubong namin si Claire na bihis na bihis.

" Hello boys, who want's to come with me?"maarte at malapad ang ngiti na tanong niya samin.

"Umalis ka magisa mo" naiinis na sabi ko sakanya, mula't sa una na makilala ko siya kumulo na agad ang dugo ko sakanya lalo pa ngayon na nakikita kong pagdikitdikit niya kay Cliff, ewan ko lang pero masama ang kutob ko sa isang to.

"oh, so rude" ngumuso pa ito na parang naiiyak, pero halata naman ang pagarte nito na mas dumagdag lang sa kabwisitan ko sakanya. Matalim ko syang tinignan ng lumingon ito kay Johann,

" Sorry, Claire but we're on duty right now, you know us, we are very workcaholic for the future king" nakangiti na sabi dito ni Johann na gusto ko nang masuka sa pekeng ngiti niya.

 Parehas kaming ayaw kay Claire mas malaki nga lang ang tolerance niya kay Claire hindi tulad ko na kay nipis ng sinulid pagdating sa babaeng bampira na toh.

Lumawak ang ngiti nito ng marinig ang mga sinabi ni Johann sakanya. " Well yeah, you should, keep it up and i'll be going" sabi nito habang kumakaway pababa ng hagdan.

" Hindi nakakamatay ang tingin lang, kaya ngayon pa lang iiwas mo na yang mga mata mo sakanya" usal sakin ni Johann ng makita nya ang mga tingin ko sa nakakainis na babaeng yun.

"tsk..masyado mo kasing pinapalapad ang atay ng babaeng yun"  naiinis na sabi ko sakanya na nagumpisang maglakad.

" Parang hindi mo kilala ang isang yun, alam mo nang hahaba pa ang usapin kung hindi ko sinabi kanina, eh gustong gusto non maging makapangyarihan tulad ng reyna" sagot nito sa sinabi ko at sumabay sakin sa paglalakad. 

Agad naming binuksan ang pinto ng Office room ni Zycho nang marating namin ito, nakita naming nakaupo ito sa swivel chair na nasa harap ng mesa at nagbabasa ng mahahalagang dukumento.

" What brought you here?" wala ang tingin nito sa amin ng magsalita ito.

"your brother is back and we know he already knew that his fiance is on that school were they first meet" pagsusumbong ni Johnn sa aming nalaman

" And?" para wala lang na tanong sa amin ni Zycho

"And?... " tanong pabalik ni Johann na halatang naiinis sa sinabi ni Zycho "alam mo kung gaano kamahal ng kapatid mo yung namatay nyang fiance at kung makita niya si Elaiza hindi malayong kunin niya sa atin si Elaiza na walang kaalam alam sa mga nangyayari" hindi sumagot si Zycho bangkus ay ipinagpatuloy lang nito ang pagpipirma at pagbabasa sa mga dukumento matapos niyang tapunan ng tingin si Johann. 

Napahilamos ng mukha ni Johann sa galit sa inasta ni Zycho.

"Kung wala kang pakialam kay Elaiza bilang mate mo, let me be her mate then" sa sinabi niyang yun biglang tumilapon si Johann sa pader na syang pagkabasag nito, hindi ko nakita ang pagtayo ni Zycho sa kanyang upuan basta nalang itong dumaan sa harap ko na mas mabilis pa sa kidlat at ngayon ay hawak hawak na ang leeg ni Johann.

"Don't try to steal my mate from me if you still treasure your life, I'm hers and she's mine we belong to each other so stay your arms away from my mate" pagbabanta ni Zycho kay Johann na ikinangisi lang nito kya mas hinigpitan ang pagkakasakal ni Zycho dito. 

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon