Nine

176 11 0
                                    

             🌟 BACK-TO-SCHOOL?🌟

Dahil nakahanda na ito sa sakit ng likod at pwetan, ngunit di nangyari ang inaasahan, kaya unti unti itong dumilat at tumingin sa lalaking sumalo sa kanya, nakita niya itong gulat na nakatingin sa kanyang hubad na katawan.



"Waaaaaah!!!" Sigaw nito habang naglilikot dahil sa ginawa nito nawalan ng balanse si Cliff kaya natumba silang dalawa sa sahig....

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Kinalabasan, nakalapat ang mga labi nila at nasa kanang bahagi ng malaking dibdib ni Elaiza ang kaliwang kamay ni Cliff, kapwa silang gulat sa mabilis na pangyayari, nauna si Cliff na matagal dahil narinig niya ang yapak ng mga paa na papalapit, agad niyang inabot ang comforter sa kama at ibinalot kay Elaiza na tulala parin hangang ngayon, binuhat niya ito papuntang kama at dahan dahan na inihiga dito, inayos niya ang comforter ngunit bago siya umalis may ibinulong si Cliff dito at dali daling umalis gamit ang bintana sa banyo, sakto naman ang pag dating ni Johann at Richard.

"Elaiza?" Sabi nito habang kumakatok, doon lamang natauhan ito.

"Elaiza, okey ka lang ba? Papasok kam--.."

"No!wag kayong pumasok n-nagb-bibihis ako" utal utal nitong saad

"Patawad, pagpasyensyahan mo na sana kami sa aming kapangahasan, okey ka lang ba?" nahihiyang sabi ni Richard

"O-okey lang a-ako"

"Pumunta agad kasi kami dito kasi sumigaw ka, may problema ba?" Tanong naman ni Johann na halata sa boses ang pagalala.

"W-wala daga lang naman ang nakita ko, kaya napasigaw ako" pagsisinungaling nya dahil iyon ang ibinulong ni Cliff

"Hahaha, ganon ba ...uhm...papupuntahin nalang namin dito si aling Martha  para sa pagkain mo" sabi ni Johann

"Wag na b-busog pa ako....dami kaya ang nakain ko kanina"

"Kung ganon...aalis na kami Elaiza tulog ka na agad" sabi naman ni Richard at aalis na sana ngunit ng tanong muli si si Johann.

"Okey ka lang ba talaga, Elaiza?, Para kasing nanginginig ka?"

"Ha...hinde.. ah, sabi nito at umiling pa na parang nakikita sa loob.... nagulat lang ako sa bastos nayon" sabi pa nito sa mahinang tinig ngunit narinig ito ng dalawa

"Sinong bastos, Elaiza?"

"Yung daga ..oo yung daga....tama yung daga... Bastos kasi nagpakita pa saakin.... cge na tulog na ako inaantok na po kasi ako" kasabay ng peking paghikab

"Hahaha narinig mo iyon Johann inaantok na si Elaiza, kaya tayo na....good night cutey girl" sabi ni Richard

"Good night Chad"

"Nighty nighty, Elaiza" saad naman ni Johann

"Same to you"

Pagkasabi non umalis na ang dalawa sa harap ng pinto at doon lamang nakahinga ng maluwag si Elaiza

"Hoooo, grabe muntik na ako takasan ng hininga" sabi nitong nagbalik tanaw sakanyang alaala sa mga nangyari kanina.

"Waaaaaah" malakas syang umiiling kasabay ang pagtalukbong ng kumot, tiningnan nya ang bahaging dib dib na nahawakan kaya muli nanaman itong nagsisigaw at yinakap ang sariling dib dib, pati ang kanyang labi na nahalikan at muling nagpagulong gulong sa ibabaw ng kama.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon