Twenty-five

113 7 1
                                    

🌟Tail🌟

(CASON'S POV)

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nagmamaneho, hindi mapirme ang aking panigin sa daan kundi nasa rearview mirror na kung saan nakahiga ang serenang nakabalot ng kurtina na pagmamayari ng paaralan, walang pinagkaiba ang kanilang mukha nung una ko syang makita, pero habang tumutugtug ito ng piano, damang dama nito ang bawat liriko ng kanta at pagtipa ng mga piyesa ng piano. Nung una kong makita si Celestina ay hirap na hirap itong patugtugin ng maayos ang piano, kahit ilang ulit niyang kabisadohin at subukan hindi noya magawa gawa ngunit napakagaling niya sa larangan ng pagpipinta. Mula nang makilala ko siya sa araw na iyon, alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko na sya pakakawalan dahil sya ay para sakin, ngunit hindi ko akalain na sa isang malagim na trahedya sya kukunin sakin.

Hindi ko mapigilang bumalik sa nakaraan habang titig na titig sa daan.

"M-malayo pa ba tayo?" Sa tanong yun naibalik ako sa kasalukuyan, kahit napakahina ng kanyang boses ay rinig na rinig ko ito, sandali ko syang nilingon na nakangiti bago ibalik ang mata sa daan.

"Malapit na tayo" sa sinabi kung yun nakita ko ang napakalawak na karagatan at ang haring araw na handa ng humalik sa kagandahan ng karagatan. Iniangat ko ang aking paningin para makita ko sya sa rearview mirrior, nakita ko sya sa repleksyon na inaangat ang paningin na pinipilit makadungaw sa bintana ng kotse ko.

Nang magawa niya ito, matamis na ngiti ang nakita ko sa kanyang malaanghel na mukha. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng aking kotse hanggang sa inihinto ko na ang sasakyan sa hindi mataong lugar.

Nagmamadali akong umibis ng sasakyan at tinignan ang paligid kung may ibang tao na makakakita, nang masiguro kong walang tao, don ko lang binuksan ang pinto ng backseat at dahan dahan syang kinarga sa aking mga bisig.

Nakikita ko sakanyang mga mata ang pagalinlangan ng buhatin ko sya pero walang salita ang lumabas sakanyang bibig. Tinignan niya ang kalawakan ng karagatan kay unti unting sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi na sya ring nagpangiti sakin pero kasabay din nito ang pagpatak ng kanyang luha na syang pumawi ng aking ngiti dahil hindi ko masasabing luha ito ng kasiyahan.

"Bakit ka umiiyak? May problema ba?" hindi ko mapigilang itanong ito nang sunod sunod na ang pagtulo ng kanyang luha, yumuko sya upang itago ang kanyang luha sa akin.

"Wala ito" sagot nito at muling ibinalik ang tingin  sa karagatan, sa sagot niyang yun hindi na ako nagtanong pangmuli  hindi dahil sa hindi ko na gustohan ang kanyang sagot kundi dahil sa nirerespito ko ang kanyang desessyon na ilihim ito. "Hindi mo na kailagan pang basain ang sarili mo" sabi nito sakin ng deretso akong naglakad papunta sa tubig dagat na nasa bewang ko na ngayon, imbes na sagutin ito ay nginitian ko na lamang ito.

Walang pagalinlangan itong tumalon mula sa pagkakahawak ko sakanya at walang lingon lingong lumangoy pailalaim, nakita ko nalang ang paglutang ng telang ginamit pangbalot sakanya kanina.

May panlulumo akong naramdaman sa aking puso ng hindi na ito muling umahon pa kaya naman bagsak ang balikat kong naglakad pabalik sa pangpang. Muli kong hinarap ang karagatat at nakita kong nasa kalagitnaan na ang pagyakap ng araw sa dagat. Nakatayo akong naghintay sa serena na hindi ko man lang na tanong kung ano ang panglan, sa isiping iyun mas pinanghinaan pa ako ng loob, naghintay ako ng ilang minuto doon hanggang sa tuluyang nawala ang sinag ng araw at buwan na ang makikita sa kalangitan.

'Hindi ka na ba babalik?' tanong ng aking isip 'Marahil ay umuwi ka na sa iyong kaharian' sa isiping iyon dahan dahan akong tumalikod upang umuwi na.

"Cason!!!" mas mabilis pa sa alas kwatro akong lumingon sa pinanggagalingan ng boses, nakita ko ito na kumakaway sakin,nang tuluyan na akong makaharap  sa deriksyon niya, patalon talon itong lumalangoy papunta sa pangpang.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon