Four

220 20 1
                                    

                🌟LEAVING SECRETLY🌟

(Pearl pov)
  Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng ibigay sa akin ang mission ng ama ko, kaming dalawa lamang ang nakaka alam  sa mission ko, kaya gagawin ko ito ng palihim, gaya ng pinagusapan at napagplanohan namin ng ama ko...

(FLASHBACK)

    "Ama hindi ba isa ito sa sacred things" tango lamang ang isinagot niya
   
" Kung ganon bakit ibinibigay niyo ito sa akin? "
    
"Makakatulong ang kwentas sa iyo anak"

     "Alam kong mahalaga ito sa sacred room kahit di ko alam ang kaya nitong gawin"

    "Pakingan mo muna ang mission mo "sa sinabeng niyang yon hinde na ako umimik, naghintay sa susunod nitong sasabihin.
   
"Aalis ka sa karagatan at dadalhin mo ang ruby crystal kailangan mo iyan maibigay sa may ari"

      "Aalis ako???" gulat kong saad... "saan ako pupunta??..bakit dala ko ang ruby???...akala ko pagaari iyan ng karagatan???...paano ko naman malalaman na siya ang may ari ??" sunod sunod kong tanong.
     
"Tama ang narinig mong aalis ka ng karagatan,kailangan mong dalhin ang ruby dahil iyon ay hindi pagaari ng karagatan tayo lamang ang tagapangalaga ng ruby,ngayon na ang tamang oras para ibigay ang Crystal, malalaman mo kung siya ang may ari dahil kusang umiilaw ang ruby nakikilala nya ang kanyang may ari, kailangan mo itong maibigay sa mabuting kamay bago ang kasamaan ang unang makinabang dito. Kapag naibigay mo ito sa may ari mas mapapatibay at mapapalakas nito ang kapangyarihan ng mga serena at sereno lalo na ang pagtibay ng kapangyarihan ng palasyo, kapag nagawa mo ang mission mo burahin mo ang alaala niya o mga taong nakapaligid sa kanya.
     Alam ko hinde ito madali, ngunit may tiwala ako sayo anak."

    "Yan ang ama ko matapat" pagbibiro ko upang mapalis ang seryoso, malungkot nyang mukha.
    
Ngumite na lamang siya bago mag salitang muli ...
      "Wag mong sasabihin kahit na kanino ang planong ito, dahil palihim ko itong pinag isipang mission"
     
"Ho...bakit po ??" nagtataka kong tanong.
    
"Sa tingin ko anak may traydor sa loob ng palasyo."

       "Anong ibig mong sabihing traydor? Paano nyo ho nalaman?"
      
" Dahil lahat ng plano ng konseho ay nalalaman ng kalaban, kaya sa tingin ko may traydor dito at hindi pwedeng nagkataon lang."

    " Kung ganon kailangan nating hanapin ang traydor na iyon"

     " Ako na ang bahala sa bagay na iyon, pagtoonan mo na lang ng pansin ang  iyong pag alis, walang dapat makaalam ng pag alis mo, kahit ako, palalabasin ko na tumakas ka dahil di mo na kaya ang mga parosa at pag trato ko sayo para di sila masyadong magtaka. Nagkakaintidihan ba tayo anak??"
     
  Oho ... Ama" nakayuko kong saad,napaangat ako ng tingin ng maalala ko ang kwentas na hawak hawak.
   
"Ama anu naman ang gagawin ko sa kwentas na ito???" Sabay taas sa kwentas na nasa kamay ko.
     
"Humiling ka sa kwentas na maging tao at agad itong gagawin, makakatulong din yan sayo na maitago ang tunay mong amoy bilang serena pati na rin ng dugo mo"

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon