Twenty-seven

127 6 2
                                    

🌟Talk🌟

(Zycho's Pov)

" Sino kayo at anong kailangan niyo?" May diin sa tuno na tanong ko.

Hindi ito sumagot kaya naiinis kong inutusan sya sa isip na itali ang sariling sinulid sakanyang sariling leeg, habang hinihila ito papahigpit. 

"Kung gaano kanipis ang sinulid mo ganyan rin kanipis ang pasensya ko"

"ACKK!!..." nahihirapang huminga dahil sa higpit ng pagkakatali ng sinulid sa leeg nito na nagumpisa naring masugatan. Pumikit ako dahil nasisiyahan ako sa nahihirapan niyang paghinga. Pero napadilat ako at mabilis nailagan ang maitim na sibat na nanggagaling sa mangkukulam na binalian ko ng leeg. 

Napangisi ako dahil tama ang hinala ko. ' Hindi ordinaryong mangkukulam ang isang ito, ' nakatayo na ito pero nanatiling bali ang kanyang leeg na sinusubukan niyang ibalik sa dati.

' CRACK!'  Tunog nang naibalik na buto.

"Hehehehe" tawa nito bago may itinapon sa lupa na nagdulot ng usok, agad naman akong nakatalon papalayo sa usok na hinala ko ay lason. Nang mawala ang usok wala na rin ang mga ito, marahil ay tumakas na.

Napalingon ako sa maingay na bahagi ng kagubatan dahil sa kaluskos ng mga dahon, pero hindi nagtagal nakita ko na ang itim na lobo na tumatakbo papalapit sa deriksyon ko,  kasabay si Richard. Mula sa kanilang pagtakbo ay naaamoy ko napakabangong halimuyak ni Elaiza.

Nang huminto ang mga ito nakita ko si Elaiza na bumaba sa pagkakasakay sa likod ni Johann, nasa paligid ang mata nito na parang nagsusuri. Hanggang sa dumapo ang kanyang mata kay Cason na nagyon ay natutulog na sa hina ng katawan. Nagumpisa syang maglakad sa kinaroroonan ni Cason pero hindi ko sya hinayaan pang makalapit rito dahil agad ko syang hinawakan sa beywang at isinabit sa'king balikat na parang sako, nasa likod ang kanyang ulo habang nagpupumiglas na makawala sa hawak ko pero imbes na pakawalan sya ay mas hinigptan ko pa lalo.

"Hoy! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ibaba mo ako!" pero hindi ko ito pinakinggan.

"You didn't even bother to look at me if I was okay, you just pass through me to check his situation instead of checking or asking if I'm okay" may diin na  saad ko sakanya habang naglalakad papalayo matapos kong sabihan ang dalawa na dalhin si Cason sa mansion.

"So .. ano?....Nagseselos ka na niyan?" she ask mockingly, I didn't answer so she continue talking. "huh...Pero sabagay, ikaw magselos?.. Imposible yun, ikakamamatay mo ata yun kapag nagpakita ka ng emosyon bago sayo, Eh alam mo lang naman yung Walang Emosyon, masungit, palautos, gusto mo yung tipong lahat ng sinasabi mo lahat nasusun---- AHH!!!"

" Shut up" I said after I spanked her butt to make her silent and it worked, it really did parang estatwa ang binubuhat ko habang unti unti naman itong yumuko na parang naubos na kandila. It made me smirked devilishly, I start to jog and end up running with full speed, seconds past by we're in front of the mansion.

(Pearlialyn/ Elaiza's Pov)

"Huling Pakiusap, umalis kayo sa harap ko" titig na titig na sabi ko sakanila. 

"Ano ba kasi ang ipinunta mo rito, Elaiza?" Tanong sakin ni  Richard na hindi ko sinagot bangkus ay inilabas ko ang Aqver sword, Nakita kong bumuntong hininga si Richard habang si Johann naman ay  tumalikod sa akin at umupo na ipinagtaka ko.

"Sakay" walang mapagpipilian na sabi ni Richard na ikinangite ko naman, ibinalik ko ang aqver sa aking katawan at lakad takbong sumakay sa likod ni Johann.  Nagsimulang tumakbo ito kasunod si Richard na sya ring pagbuhos ng malakas na ulan, kaya mas pinakiusapan ko pa si Johann na bumilis pa na sinunod naman agad, malayo layo na ang na takbo namin nang may nakita akong dalawang nilalang na kilala ko.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon