Thirty-One

90 6 2
                                    

🌟 Confession 🌟

(Zerex Pov)

Nang magising ang aking diwa ramdam ko ang pananakit ng aking katawan lalo na ang parteng batok ko na tinamaan kanina ng kung ano, hindi ko pa naididilat ang aking mga mata ng may narinig akong iyak sa may hindi kalayuan sa aking kinahihigaan.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga daliri na agad ko namang nagawa kasunod ang aking unti unting pagdilat para makita kung sino ang umiiyak na napakapamilyar ang boses sakin. Pumikit ako ng ilang ulit hanggang sa luminaw ang aking paningin.

"Jace?"paos at hindi siguradong usal ko sa babaeng yakap yakap ang sariling tuhod at nakayuko rito. Mukhang natigilan naman ito na parang narinig ang aking pagtawag kaya iniangat nito ang kanyang mukha sakin, basang basa na ang kanyang luha sa sariling luha.

"Z-Zerex, buti naman a-t na-nagising kana" habang humihikbik papalapit sakin. " Natatakot ako Zerex, h-indi sila mga ordinayong mga tao" sabi nito na mas lumakas pa ang hikbi nito na umupo, nakikita ko ang panginginig nito kaya alam ko na nasaksihan niya ang hindi niya dapat nasaksihan. "K-kinagat nung isa sa kanila si Moi at hi----"

"M-Moi? Nandito r-rin si Moi?" sabi ko na sinuri ang paligid, hanggang sa dumapo ang tingin ko sa may madilim na parte ng kwartong toh, nanlalaki ang mga matang tumitig ako sa nakahandusay na katawan ni Moi.

" Anong nangyari sakanya?" habang pinipilit na makatayo.

"Zerex, wag mong pilitin ang sarili mong tumayo" hihikbi hikbing saad niya sakin. " Mas lalala ang sugat mo " may pagaalalang sambit niya na pinipigilan ako sa balak kong pagtayo.

"Jace, kung hindi mo ako tutulongan makatayo at makalapit kay Mio, mawawalan tayo ng kaibigan, mas malala ang kalagayan niya kaysa sakin at kung wala tayong gagawin hindi tayo makakasiguro kung aabotan pa tayo ng umaga rito, hini natin alam kung ano ang gagawin at ano ang kailangan nila sa'tin"

"P-per---"

"Wala sa atin ang lahat ng oras na kailangan natin Jace kaya ngayon pa lang kumilos na tayo at magisip kung paano makakatakas rito" sabi ko at nagsimulang paikaikang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Mio ng makatayo, walang nagawa ni jac kundi alalayan na lang ako sa paglalakad.

'Kahit Impossibleng makatakas kami rito dahil sa walang kahit ni isang bintana o butas man lang, maliban sa naagiisang pintoang bakal ang makikita sa paligid nitong kwarto, hindi ko hahayaan na manatili kami rito, hindi ko man alam kung sino at ano ang kailangan nila samin pero nasisiguro kong hindi sila magdadalawang isip na patayin kami kahit ano mang oras nila gustohin dahil hindi tao ang kalaban naming rito.'

"Mio? " tawag ko sa pangalan niya nang makaupo na ako sa tabi niya, naramdaman ko ang nanlalamig nitong katawan nang hawakan ko ito, kaya naman dali dali kong pinakiramdaman ang pulso nito, agad naman akong nabunutan ng tinik nang maramdaman ko pa ang pulso nito kahit mahina ang Bawat pintig nito ay nagpapasalamat parin ako.

"Mio, alam kong naririnig mo ako" kausap ko rito, para kahti papaano ay hindi sya mawalan ng pagasa. "Wag kang bibitaw, Wag kang mawawalan ng pagasa, naintidihan mo, alam kong alam mo n makakatakas tayo dito, hindi ba?" kahit alam kong hindi ako nito sasagutin, nagpatuloy parin ako sa pagkausap sakanya habang naririnig ko naman si jace ang pigil na hikbi nito.

'Ako man ay nangangamba na baka nga hindi na kami makaalis ng buhay rito, pero hindi ko pwedeng iparamdam at ipakita sakanila ang pangamba kong yun, meron sa ga I 73ud paaralang toh, na nararamdaman ko na lang ang pangagalay ng binti ko sa kakalakad. Hinintay ko sila sa silid aralan hanggang sa dumating at umalis ang dalawang guro pero hindi parin sila dumadating dalawa.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon