Fifteen

122 11 0
                                    

🌟AQVER SWORD🌟

(Elaiza's Pov)

Hindi ko alam kong anong oras na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya hanggang ngayon mulat na mulat ang aking mata. Hindi parin kasi ako nakakalimut sa mga nangyari kanina, nasa alala ko parin ang mukha niya na kahit anong bura ko ay hindi ko magawa.

'Ganito na ba kalala ang epekto sa pagtitig sakanya ngayon, hindi naman noon ganito ang epekto sakin sa library ah, bakit parang ang tindi ngayon' sa isiping iyon agad kong binatukan ang sarili.

"Aray ko naman, napalakas tuloy" sabi ko saka hinimas ang parte na binatukan ko, kung meron mang makakakita sa akin na ganito, siguradong sasabihin wala na ako sa katinuan.

'GRRRRRKKKKKKK'

Napahawak ako sa tyan ko ng malakas itong nagreklamo.

'yan ang mga napapala ng maarteng tulad mo' pagsermon sakin ng kabilang isip ko, hindi kasi ako kumain kaninang haponan para hindi ko sya makita, boung oras kong iniilagan ang presensya niya para hindi ako magmukhang tanga.

'GRRRRRRK'

'ito na ito na' sabi ko habang tumatayo mula sa pagkakahiga, nang buksan ko ang pinto sinigurado kong walang maririnig na kahit ano, tumingkayad akong naglalakad hanggang sa hagdan sinisegurado na kahit konting ingay ay hindi ako makakabuo, kahit na alam kong mahimbing na ang tulog ng mga ito.

Nakarating ako sa kusina na ganon ang pagkakalakad, hindi ko na kailangan pang ilawan ang paligid dahil ang tanglaw ng buwan ay sapat na para ako ay makakita sa dilim, nang tuloyan na akong makapasok do'n lang ako umayos ng lakad at ngiting ngiti na lumapit sa mesa na may takip. Nang tinggal ko ang takip mas lumawak pa ang aking pagkakangiti dahil nasa harap ko ang iba't ibang mga putahe na kahit hindi ko alam ang mga pangalan alam ko naman na masasarap ito at kayang kaya na busugin ako.

'Wahahahaha dabest talaga si nanay'

Kumuha ako ng pingan at kutsara bago umupo ngunit hindi ko pa nahahawakan ang pagkain ng bigla akong natigilan.

Naramdaman ko ang mga aninong umaaligid sa boung mansion hindi ko mabilang kong ilan dahil sa liliksi nilang kimilos.

'Sino ba ang mga ito?, anong kailangan nila, mga magnanakaw ba sila? hindi na ako magtataka kong pagkainteresan talaga nila ang mansiong toh, dahil labas palang makikita mo na kong gaano ito ka yaman.'

Nanghihinayang akong tumingin sa harap ko nang muli ko itong tinakpan at ibinalik ang kutsara't pinggan sa lalagyan.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa tatagoan ngunit hindi ko nagawa dahil nahigit ng isang paa ko ang upuan kaya ito ang dahilan ng ingay, nakita ko ang mga anino na huminto na para bang nakikinig at nakikiramdam, na  para bang naguusap sa kani kanilang mga isip, ilang segundo itong ganun hanggang sa muli itong gumalaw, ipinagpatuloy ko naman ang aking dahang dahang paglalakad hanggang sa nakita ko ang dapat kong pagtaguan.

Nagtago ako sa loob ng kusina na alam kong hindi agad makikita, sinigurado kong itago ang sarili sa parte na makikita ko ang pagpasok nila sa pinto ng Mansion.

'Ano ang dapat kong gawin?'

'Tatakbo at sisigaw? ngunit paano ito ang gawin ko mas lalong mapahamak sila nanay'

'lalaban ba ako? eh pano kong makilala nila ako'

'Hahayaan ko na lang ba sila sa mga gagawin nila.... paano kong talagang nanakit ang mga ito.'

Lahat ng tanong sa isip ko na pwede kong gawin ay may pagaalinlangan, sa ganoong isiping nanatili akong nakakubli, ilang segundo ang lumipas ngunit hindi parin bumubukas ang pinto, kaya naman nakahinga ako nf maluwag sa isip ko ay hindi ang mga ito papasok, ngunit nagitla ako ng sabay sabay na nabasag ang  lahat ng salaming bintana.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon