Fourteen

129 13 7
                                    

                      🌟SCENT🌟

(Elaiza Pov)

"Lagot na ako nito... magagalit sakin si nanay huhuhu ... ano gagawin ko" paghihistirikal ko at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.

"E-Elai-za m-mawawalan na ako ng u-ulo" tinignan ko si Chad na nasa harap ko na kanina ko pa pala niyuyogyog, kaya naman agad ko itong binitawan at nanlulumong bagsak ang balikat.

Anong gagawin ko?

"Alam na ba ito ni Nanay?" tanong ko na halata sa mukha ang kaba.

"Hindi pa naman" si Johann ang sumagot kaya hinarap ko ito.

"Hindi pa naman? ibig mong sabihin eh  may balak kang sabihin sakanya?" konting konti nalang tutulo na talaga ang luha ko.

"oh baka pumalahaw ka ng iyak dyan mapagalitan pa kami ni Aling Martha"  hindi ko alam kong pangaasar o pangaalo ang ginagawa niya.

"Elaiza, wala sa plano namin ang isumbong ka kay Aling Martha pero--"

"Pero?..... bilisan mo kasi yung pagsasalita, hindi yung parang kinakapos ka ng paghinga" sermon ko dito na hindi mapakali.

Wala naman iba dapat na sisihin dito Pearl kundi sarili mo, dahil hindi ka nagiingat, yan ang napala mo... HAISTTTT NAKAKAINIS!!!!

Imbes na mainis sa akin ang dalawang toh eh tinawanan pa ako.... Ang galing....

"Pero si Zycho na ...Amo mo ....Oo, may plano sya..." pagtatapos ni Chad

"Si Masungit?" pagkokomperma ko, tango Lang ang isinagot nila na may ngiti na PARA SAKIN NGITING MAPANGASAR ....BWESIT....

Halos maabot na ng balikat ko ang lupang tinatapakan dahil sa panlulumo.

"Bakit ba kasi alam niyo yung nangyari?" sabi ko na nagsimulang maglakad ulit.

Ano kaya ang sermon na naghihintay sakin sa loob ng malaking mansyon na toh, nanlaki ang mata ko ng may naisip, Pano kong hindi lang sermon ang abotin ko.... kung paalisin ako ni nanay....

*Imahinasyon*

Nanay: Sige umalis ka na habang nasa tamang pagiisip pa ako na hindi ka kaladkarin paalis!!(nangngalaiti sa galit)

Ako:Nay patawad hindi ko naman po sinasadya ... saan naman po ako pupunta pagumalis ako. (nagmamakaawa na sabi ko)

Nanay: Bahala ka sa buhay mo.... nakakahiya ka!! wala kang utang na loob!!!..ALIS!! (habang nakaturo sa malaking tarangkahan)

Ako: Nay... huhuhu(papaalis)

Masungit: Buti nga sayo! (tumatawang pandemonyo)

*Reyalidad*

Dahil sa wala na akong matirhan, wala na akong kakainin mapipilitan akong bumalik sa karagatan...ibig sabihin non Mission Failed ako at kapag nangyari yun maniniwala na talaga ang Ama ko na Good for Nothing lang talaga ako, mawawalan ng tiwala sakin si Ama, at ikakahiya niya ako, tapos itatakwil niya ako bilang isang anak, hindi na ako magiging isang prinsesa tapos lahat ng kaibigan ko iiwanan ako atsaka lahat lahat ng pinaghirapa----..

"Hey !" nabalik ako sa reyalidad ng hawakan ako ni Chad sa magkabilang balikat "You okey, ang lalim ata ng iniisip mo't natutulala ka "  sabi nito na may pagaalala sa boses ngunit hindi ko ito pinansin at nilagpasan lang sya hanggang sa nasa tapat na ako ng mansyon.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon