Thirty-two

32 4 0
                                    

(warning! you will encounter some of grammatical error, wrong typos and misspell, I'm sorry, I'm not perfect)

🌟 CLAIRE 🌟

(Pearlialyn/Elaiza's Pov)

SPLASH

Bigla akong nagising habang umuubo dahil sa biglaang pagbuhos sakin ng isang timbang tubig. Napakurapkurap ako at sinubukang gumalaw ng mapagtantong nakakadena pala ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking ulo at mga paa ko na hindi nakakaapak sa sahig.

Iginala ko ang aking paningin at tumambad saking harapan ang may kaluwagang silid na walang makikitang kahit isang bintana o kahit anong mapapasukan ng araw. May mga labingdalawang lalaking nakayuko na naka tayo sa bawat sulok nitong silid at batay sa mga nakikita ko sa mga ito ay mga bampira ang mga ito.

"Lady Claire, gising na po sya" sabi nung lalaking bumuhos sakin ng tubig sa babaeng nakatalikod sa gawi ko.

'hindi ba halatang gising na ako, umubo na nga diba'

"Mmm" rinig kong saad ni Claire na tumayo at hinarap ako.

"Anong kailangan mo sakin, sabihin mo na agad at para matapos na, susunduin pa naman ako ni Zycho ngayon" sabi ko na parang tamad na tamad  akong pakinggan ang mga sasabihin nito.

PAK

"How dare you, Zycho is mine! You are just a bitch that pops out from unknown origin, so you better stay out  of my property!"

Nahihilo ako pero nagawa ko pang ngumisi dahil sa malakas niyang pagkakasampal sakin na nalalasahan ko rin ang sarili kong dugo sa gilid ng labi ko.

"Property?...Tanong ko lang...naging sayo ba sya?"
Dahan dahan ko syang tinignan na nang aasar. "Ang akala ko, ang lakas lakas mo dahil sa mga ikinikilos mo, hindi ko akalain na yun lang pala ang kaya mong gawin, ang hina mo nakakaa---" hindi ko natapos ang sasabihin ng muli niya akong sampalin pakaliwa naman na higit pa sa lakas ng nauna, kaya muli kong naramdaman ang hapdi na hindi ko pinahalata.

Na imbes na umiyak o ano ay tumawa ako ng malakas na ikinagalit niya pa lalo dahilan para sunod sunod niya akong sampalin pakanan at kaliwa.

"Sampu" sabi ko na ikinatigil niya sa pagsampal at tinignan ako ng nagtataka.

"What are you counting?" Sabi niya sakin na masama ang tingin.

"Beg me, and I'll tell you" ngisi ko.

'Sabi pa nga nila lintik lang ang walang ganti, ang sakit kaya, tatay ko nga isang beses lang ako sinampal ikaw pa kayang pusit ka, mamaya ka lang triple ang ibibigay ko sayo may pasubra pa dahil letche ka' nangangalaiting sabi ng utak ko habang ngisingisi lang ako.

"YOU BITCH, I FUCKING KILL YOU RIGHT HERE, RIGHT NOW!!"

"Ang tagal" sulsul ko sa pagaasar.

" Arghh" ungol nito sa galit kasabay ang pagpalabas ng kanyang mga mahahabang kuko na handa ng isaksak sa tyan ko nang bigla marahas na bumukas ang pinto at tumilapon sa pader si Claire.

Naguguluhan kong tinignan si Claire na baliwalang tumayo mula sa pagkakasalampak sa pader at masamang tinitigan ang dahilan ng kanyang pagkakatapon, sinundan ko ang kanyang mga titig na syang nagpakaba sakin ng nakita ko ang nakatayong lalaki sa harap ng sirang pinto habang titig na titig sakin.

Nakikita ko ang maitim at mabigat niyang presensya sapat na para lumuhod sa takot ang ibang mga bampira sa kwartong iyon, pero imbes na magpadala ay tinitigan ko ito sa mga mata, hindi ko ito nakikilala dahil sa itim na nakakatakot na maskarang tumatakip sa kanyang mukha.

Mission Of The Mermaid PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon