Lumaki akong kasama ang ama ko. Hindi ko na nakagisnan ang ina ko. She died when I was still a baby. Anumang bagay na maaaring magpaalala sa 'kin tungkol sa kanya ay nasunog nang matupok ng apoy ang bahay namin. That happened when I was barely three.
Tanging ang libingan niya ang naiwang koneksyon ko sa kanya. The only proof that I did have a mother.
Gayunpaman, ginawa ng ama ko ang lahat para hindi ko maramdaman na isa lang ang magulang ko. At lagi ko iyong ipagpapasalamat sa kanya.
Kaso, nasangkot sa isang gulo si daddy at dahil doon ay makukulong siya ng mahabang panahon. I was already eighteen that time. Nang mga panahong iyon ay ako pa rin ang inaalala niya.
Wala na akong kalapit na kamag-anak sapagkat parehong nag-iisang anak ang mga magulang ko. Since my father never remarried, I remained his only child. Naisip niyang ang pinakamabuting paraan para masigurado niyang may mag-aalaga at magpoprotekta pa rin sa 'kin kahit wala na siya ay ang ipagkasundo ako bilang asawa sa anak ng pinakamatalik niyang kaibigan.
I knew Uncle Seymour and his wife, Auntie Malia. Isa sila sa mga kadalasang bumibisita sa 'min ni daddy. I like them a lot because they treat me like their own child. May dalawa silang anak na lalaki, si Kuya Hunter---na anak talaga sa unang asawa ni Uncle Seymour--- at si Timothy.
Si Timothy na matanda sa 'kin ng apat na taon ang napangasawa ko. I don't know how they got Timothy to agree, but we proceeded with a civil wedding. Pagkatapos niyon ay inaresto na si daddy ng mga pulis.
Ibinenta na ni daddy ang bahay at ilang ari-arian namin bago iyon. He said I would be staying with my new family, so I would be more safe. Gagamitin rin para sa pag-aaral ko ang pera.
Kinailangan kong lumipat ng paaralan. Uncle Seymour and Auntie Malia thought it would be best if I went to the same school as Timothy. Puwede akong tumuloy sa condo niya. Sa ganoon ring paraan ay makikilala namin ng mas malalim ang isa't isa.
It was a good thing my subjects were credited, and I could continue where I left off with my last school: in the second year of my B.S. Nursing course. Timothy was in his second year in med school. Mabuti na lang at nangyari ang paglilipat ko ng paaralan bago pa man nagsimula ang panibago school year ng university.
Nakatayo ako ngayon sa labas ng condo unit ni Timothy. Hinihintay ko na dumating siya.
Sa tuwing naririnig ko ang pagbukas ng elevator, napapalingon ako upang madismaya lang na hindi pa pala siya ang lumabas mula roon. The people were giving me strange looks. Hindi ko na lang sila pinansin.
I checked my watch. It was already seven PM. Hindi pa ako nakakapag-dinner at gutom na talaga ako. Ayoko namang umalis para kumain sa labas kasi baka magkasalisi kami ni Timothy. Also, I didn't want to leave my things if I ever go out to eat. Puwede kong dalhin ang mga gamit ko pero ayoko ng maraming bitbit.
Nalimutan ring ibigay nina uncle at auntie ang number ni Timothy. Nagdadalawang-isip rin ako kung kokontakin ko sila kasi ang alam ko ay nasa labas ng bansa ang mga ito sa ngayon.
Alam naman siguro ni Timothy na darating ako ngayon. His parents would've told him.
Nag-ping uli ang elevator. Hindi na ako tumingala para tingnan kung sino iyong dumating. I was busy scrolling through my phone, killing time.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Napatingin ako sa nagsalita. Timothy was standing before me, wearing a blue denim shirt and jeans. His hair was combed neatly. Hindi ako makapaniwala na mukha pa rin siyang fresh ng mga oras na iyon.
"I said, what are you doing here?" ulit niya. Masama ang tinging ipinukol niya sa 'kin. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig.
"I was waiting for you." Nanliliit na sagot ko.
"Why?"
"Uhm...ano...kasi wala akong susi sa condo mo. Kaya hindi ako nakapasok agad."
"At ba't ka naman papasok sa condo ko? You shouldn't even be here. Pa'no ka nakalampas sa security sa baba?" Nagulat ako sa galit sa boses niya.
"Dito kasi ako patutuluyin nina uncle, since I'm now going to the same school as you. Sinabi ko sa receptionist sa baba na asawa mo ako. Nang magpakita ako ng patunay, pinaakyat naman n'ya ako."
"You told them you're my wife?" Parang bulkan na puputok ito. "What are you spreading that news for?"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko napaghandaan ang ganoong reaksyon niya sa pagdating ko.
"At sinabihan ko na sina papa na pahanapin ka ng ibang matutuluyan. I don't want to live with you."
It felt like a slap to my face.
"Hindi ka na dapat pumunta rito."
Binuksan niya ang condo unit niya at pumasok. Akma niya sana iyong isasara ngunit biglang tumunog ang tiyan ko. Sandali siyang natigilan. I felt my cheeks turn hot out of embarrassment.
For a moment there, I thought he was going to ask me to come in.
"Umalis ka na. Go eat somewhere and find a place to sleep. Wala kang lugar dito." Medyo mahina na ang boses niya pero masakit pa rin ang mga salitang ginamit niya. Saka niya isinara sa mukha ko ang pinto.
I stood there, shocked to my core. He acted so callous and indifferent. Noon lang siya umakto ng ganoon sa akin. He was so open with his anger on me now. Samantalang noong kasal namin, wala siyang kaemo-emosyon.
Kaya ba nagagawa na niyang ipakita sa 'kin ang tunay na nararamdaman niya dahil wala ang mga magulang niya sa paligid? Or my coming here had become the last straw and he just finally lashed out?
Saan na ako pupunta ngayon? Wala akong kakilala sa lugar na iyon. Isa akong bagong salta roon.
I breathe out.
Relax lang, Valerie. Makakaisip ka ng paraan.
I opened my phone and searched for the nearest hotel. May pera pa naman ako. Sa ngayon, kailangan ko munang makahanap ng matutuluyan para sa gabing 'yun. I'll plan my next steps later.
Nang makahanap ng hotel ay pinulot ko na ang mga gamit ko at sumakay ng elevator. Pinagtibay ko ang loob ko. Hindi ako puwedeng maging mahina.
I have to survive.