My eyes fluttered open. Sandali pa akong napaisip kung nasaan ako. When the memories of last night flashed in my mind, I turned to face the other side where Timothy should be. Pero wala na siya sa higaan niya. Napabangon ako. Inabot ko ang cellphone ko at nagulat ako nang makita kong sampung minuto na lang bago mag-alas otso.
"Oh my god!" I scrambled out of bed, stepped into some slippers I found under the bed, and bolted out of the room. Nagmamadali ako dahil male-late na ako para sa first subject ko sa araw na iyon. Hindi ko pa naman puwedeng ma-miss ang klase dahil skills lab iyon. May return demonstration kami. Kailangan ko ring umuwi sa boarding house para makapagpalit ng uniform.
Bakit kasi hindi ako nagising sa alarm ko? Nagplano pa ako kagabi na maaga akong gigising---mga alas singko ng umaga---para makapuslit ako palabas nang hindi nabubuking ng mga grandparents ni Timothy.
Pinapagalitan ko na ang sarili ko sa isip nang biglang bumukas ang pinto ng condo unit. Iniluwa niyon si Timothy na may dalang mga supot sa magkabilang kamay. May mga patak ng ulan sa ulo, braso, at damit niya.
Nang makita niya akong nakatayo sa gitna ng sala ay mabilis niya akong binistahan. Sandali pa siyang natigilan at napalunok.
"G-Gising ka na pala," sabi niya bago siya tumikhim. I just discarded his weird reaction because I had more important matters at hand.
"Late na ako para sa school. Ikaw, wala ka bang eight AM na klase?" tanong ko sa kanya, halata na ang panic sa boses ko.
"Classes are suspended until further notice," kalmado niyang sagot.
Napatanga ako sa kanya.
"There's a storm signal number three.
Na-announce mga alas dos kanina," patuloy niya sa pagbabalita.Para akong natanggalan ng mabigat na dalahin sa dibdib ko. I followed him to the kitchen.
"Maaga kong hinatid sina lolo sa airport. Fortunately, their flight for this noon wasn't cancelled. Gusto sana nilang magpaalam sa'yo kaso tulog ka pa, e," kuwento niya.
Ibinaba ko ang hawak kong phone sa counter at tinulungan siya sa pag-aayos ng mga pinamili niya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Bigla kasi siyang natigilan.
"Uh, yeah... Sumakit lang bigla ang ulo ko. Maybe I'm just a little tired."
"Sure?" Nilapitan ko siya. "Namumutla ka kasi ng konti."
Without thinking, dinama ko ang gilid ng leeg niya gamit ang likod ng kamay ko.
"Medyo mainit ka," saad ko.
Hinawakan niya ang kamay ko para ilayo iyon ng bahagya sa kanya. But he didn't let go of my hand.
"I'm fine, really," ulit niya. Nakatutok siya sa 'kin at hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko. Kakaiba siya na uri ng kaba. It wasn't the same nervousness I felt a while ago while I was racing with time to get to school. It was the kind that turns one's legs into noodles and makes one's heart transform into a drum. 'Yong tipong nando'n pa rin hanggang magising ka mula sa pagtulog, 'yong tipong gugulo sa tahimik mong buhay.
"I should get going," I blurted out.
"Ihahatid na kita," alok niya.
"Naku, 'wag na." Umatras ako dahilan para pakawalan na niya ang kamay ko. "Dito ka na lang."
"Maulan at mahangin sa labas. Baka mahirapan kang makahanap ng masasakyan," ani niya.
"'Wag mo na akong alalahanin."
"Baka kung mapa'no ka. Ako pang masisi. Naaalala mo naman siguro kagabi, 'di ba? Ako ang napagbintangan nina lola sa pangangayayat mo."
Everytime I think we were making some progress, he would say or do something that would remind me of the real score between us. Ang natural ko namang reaksyon ay ang lumayo. Ako na ang kusang gumagawa ng paraan para hindi maging pabigat sa kanya.